Advertisers
ANG kabataan ang kinabukasan ng bayan; lalo na’t pag ang paslit ay inaruga sa pag-aaral, tamang pagkain, at itinurong asal. Ngunit kapag kapusukan at kayabangan ang umiral, mapaparoon lang ito sa pagiging pariwara. Iyan ang nakita ko sa katauhan ni Kiffy Duterte. Sa tingin ng maliit na peryodistang ito malaking bagay ang pagiging mapagkumbaba. Hindi ito bagay na naglalarawan kay Kiffy Duterte.
Heto lang ang payo ng nakakatanda: Malayo pa ang mararating, marami pang bagay ang masasaksihan, wala sa palad mo ang mundo, manatili kang nakatungtong sa lupa. Wala kang kahahantungan sa pagiging “spoiled brat” at ang pagkakaroon ng maraming tatak sa katawan ay bahagi ng uri ng pagkatao mo.
Ngunit, sa halip ng maraming palamuti at marka, kung nananatili pa ring maaskad ang ugali mo, wala kang patutunguhan. Isa ka lang saglit na hindi napapansin. Kaya payo ko sa iyo: Kiffy, shut your twat. Ingles na yan, Umayos ka.
***
NAGMIMISTULANG magulong rigodon ang papalit-palit ng depensa kay “serial-killer” na dating presidente Rodrigo Duterte. Naaaliw ang abang peryodistang ito sa mga bagong kaganapan sa hanay ng depensa. Nagkakagulo sila, nalilito sila sa pagkakadakip kay Duterte. It’s official; naglalaglagan sila.
Tiwalag na si Salvador Medialdea sa hanay ng pagdedepensa sa dating mamamatay-taong presidente. Magiging matagal at masalimuot ang mga susunod na kaganapan. Hindi ako magtataka kung masasalamin sa masidhing pagsubok ang pasensya ng mga inampalan, ngunit hindi uubra ang pag tumbling ng mga katulad ni Salvador Panelo at Inday Sayad.
Walang kaduda-duda na may diperensya sila sa pag-iisip. Kahit magkakagulo ang mga supporters niya, hindi titinag ang inampalan. Bilang tuldok isa lang masasabi ko: Iba ang batas na umiiral sa The Netherlands; iba ang batas na umiiral sa Pavillion 4 ng National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.
Nagpapasalamat ang inyong abang lingkod na matinong matino ito. Kasihan nawa tayong lahat ni Poong Kabunian.
***
NANINIWALA ako na hindi nararapat maluklok bilang Tribuna ng Mamamayan si Menardo Guevarra. Itinalaga siya ng dating pangulo bilang justice secretary, at sa kalaunan, pinalitan siya ni BBM sa pagkapangulo.
Dalawang bagay lang una, itinalaga siya bilang tribuna, at tumanggi siyang gampanan ang itinalagang tungkulin? Dapat nagpapakita siya ng karakter, ng dangal upang kumatawan sa anumang gagampanan sa anumang fora. Kung hindi niya kayang gampanan, dapat siyang tanggalin. Hindi siya hihintayin ng pangulo nararapat na bumaba siya at hayaang palitan ng mas nararapat katulad ng dating Solicitor General Florin Hilbay.
***
mackoyv@gmail.com