Advertisers
May mga nagsasabi na Katoliko si LeBron James. Mangyari sa isang haiskul na Katoliko nag-aral si LBJ. Ito ay ang St Vincent – St Mary School sa Akron, Ohio.
May video footage din na nakita si King Jamed na nag- sign of the cross bago ang match..
Pero hindi tayo makahanap ng isang quotation sa kanya hinggil sa kanyang relihiyon
Alam naman natin na maingay ang numero 23 ng Lakers sa maraming bagay.
Ang sinasabing open sa kanyang Catholic faith ay si Joel Embid. Ang sentro ng 76ers ay ipinanganak sa Cameroon kung saan maraming Katoliko Romano.
Ang tiyak pang Katoliko sa liga ay si Joe Mazzulla ng Boston Celtics. Ang coach ng kasalukuyang NBA champion ay madalas na nagrorosaryo pa sa loob ng TD Garden, ang kanilang homecourt. Ang 36 años na HC ay anak ng isang Italyanong ama at lahing itim na ina.
***
Dumayo sa Boac, Martinique ang PBA Legends noong isang linggo. Kasama sa grupo sina Allan Caidic, Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Gerry Esplana, Marlou Aquino, Gherome Ejercito at Marlou Aquino. Napabilang dito si Onchie de la Cruz na pinanay ang vlog niya ng lakad mula sa pagpunta hanggang pagbalik sa Manila.
Pati yung stopover nila sa isang resto sa SLEX ay kabilang pa. Naungkat tuloy ang diumano”y pagkatanggal ni Esplana sa isang player sa PSL kung saan siya ang commissioner. Tapos may mga pumatol sa ginawang hamon ng naturang cager na vloger din. Siyempre panig kay Esplana ang mga legend.
***
Sa PBA ay lamang na TNT sa Finals nila ng GSM. Posibleng di pa makalaro si Justine Brownlee sa mga next game.
Sa NBA naman ay huling buwan na ng regular round kaya dami rin may injury na mga bida ng mga koponan. May serious at may soft o pinag-iingat lang ng team. Placing na lang labanan kasi. Kung tutuusin ay pwede mamili ng katunggali sa 1st round ng playoffs.