Advertisers

Advertisers

KASO NI FPRRD EPEKTO NG SELF INCRIMINATION?

0 2,988

Advertisers

Halos purimpuri ng sambayanan ang naging WAR ON DRUGS ni FORMER PRESIDENT RODRIGO ROA DUTERTE (FPRRD) subalit naguho ang paghangang iyon ng maraming mamamayan dahil sa isinagawang QUAD COMMITTEE HEARINGS ng CONGRESS ay nalantad ang mga patotoo na ang bansa ay nadale ng isang BUDOL GOVERNMENT.

Marami sa mamamayan ang nagising sa reyalidad lalo na sa pagpapatotoo ng CREDIBLE WITNESSES ay naisapubliko ang mga naging panlilinlang sa lipunan sa nakaraang administrasyon.

Mismong ang ilang matatapat at pinagkakatiwalaan ni FPRRD tulad ni dating PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE CHAIRMAN ROYINA GARMA ay ibinunyag nito ang ilang karahasan sa naging paglulunsad ng WAR ON DRUGS na kahit nakakulong na ay naisasagawa pa rin ang pamamaslang sa loob mismo ng piitan.



Ilan din sa mga nagpakilalang KILLER o HITMAN ni FPRRD nang ito ay DAVAO CITY MAYOR pa lamang ay ibinunyag sa QUADCOM HEARINGS na mismong si DUTERTE ang nag-uutos kung sino ang kinakailangang ilikida at mayroon pang lugar tulad ng isang QUARRY AREA na kanilang ibinabaon sa lupa ang mga “IPINALILIGPIT”.

May ilang POLICE OFFICIAL tulad ni dating COL. EDUARDO ACIERTO ang nagbunyag na mismong si FPRRD ay PROTECTOR ng DRUG LORD sa katauhan ng kaniyang pinagkakatiwalaan na si MICHAEL YANG.

Sa kabila ng iba’t ibang akusasyon laban sa mapang-abusong paglulunsad ng WAR ON DRUGS ay pinanindigan ni FPRRD na noong siya ang DAVAO CITY MAYOR noon ay mayroon siyang DEATH SQUAD.., na noong ilunsad niya ang WAR ON DRUGS sa kaniyang administrasyon bilang PHILIPPINE PRESIDENT ay kaniyang inihayag ang mga litanyang “ENCOURAGED THE CRIMINALS TO FIGHT PAGKA LUMABAN PATAYIN NINYO PARA MATAPOS NA PROBLEMA SA SIYUDAD KO” kasunod ang litanyang “KUNG HINDI MO GAWIN YAN AKO ANG PAPATAY SA YO”.

Sa pagkakaaresto kay FPRRD dahil sa WARRANT OF ARREST na inisyu ng INTERNATIONAL CRIMINAL COURT (ICC) ay ipinunto ng mga tagasuporta na hindi ito nabigyan ng DUE PROCESS .., na kumbaga ay nag-BOOMERANG o BUMALANDRA kay FPRRD ang dati nilang pamamaraan na ang kaniyang naging administrasyon ay walang ibinigay na DUE PROCESS sa mga pinaghihinalaang may kinalaman sa ILLEGAL DRUG TRADES.

Ika nga.., ang pagiging PHILIPPINE PRESIDENT ay hindi habampanahon at huwag umastang maton o siga o magmayabang sa inilunsad na pamamaslang dahil ang pag-amin nito na napanood ng buong mundo sa naging SENATE HEARING noon na kaniyang dinaluhan ang tila nagdulot para sa kaniyang SELF INCRIMINATION!



***

BOY MENDIOLA PARA SA PROGRESO NG RIZAL PROVINCE?

Matunog ngayon at ipinangangampanya ng mga taga- RIZAL PROVINCE na ang isang BOARD MEMBER ng kanilang LALAWIGAN sa katauhan ng isang EMAN “BOY” MENDIOLA ang hinog na sa karanasang PUBLIC SERVICE kaya kinakailangang pumalaot na ito sa mas mataas na posisyon para sa kapakinabangan ng kanilang mga kadistrito sa kanilang probinsiya.

May ilang mga POLITICIAN sa kanilang LALAWIGAN ang wala raw halos naiambag sa pagsulong na ayon pa sa ilang mga residente ng TANAY, RIZAL ay mayroon silang kalugar na POLITIKO subalit kahit man lamang daw sa kanilang komunidad ay walang naiambag na nararapat lamang mawala sa GOVERNMENT POSITION dahil sayang lamang daw ang ipinasusuweldo rito.

Ang pinatutungkulang POLITICIAN ay nasa ika-23 sa 25 na REPRESENTATIVE sa MARIKINA-RIZAL-LAGUNA-QUEZON (MARILAQUE) REGION na kumakandidato uli ngayon subalit sa record nito ay indikasyon umano sa pagiging walang silbi sa panunungkulan.

Sa RIZAL 2nd DISTRICT ay napakatunog na ang pangalan ng isang BOY MENDIOLA na susunod bilang REPRESENTATIVE o CONGRESSMAN ng nasabing distrito.., na ang mga residente ng RIZAL 2nd DISTRICT ay tiwala sa kakayahan nito na maisasakatuparan ang minimithing libreng pagpapagamot at libreng gamot sa mga naghihirap nilang ka-distrito!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.