Advertisers

Advertisers

DICT tutok sa pagpapalakas ng internet connectivity sa bansa

0 11

Advertisers

Nakatutok ngayon ang Department of Information Communication Technology (DICT) sa mga programa na magpapalakas sa internet connectivity sa buong bansa gayundin ang pagsawata sa mga kumakalat na ‘fake news’, pishing at scamming



Sa kanyang pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni DICT Undersecretary Jeffery Ian Dy na ang pagkakaroon ng internet connectivity ay magbibigay ginhawa at tiyak na magpapalago sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Dy, kailangan lamang na paramihin ang towers sa bansa upang kahit sa mga liblib na lugar ay magkakaroon ng internet connectivity .

Samantala, pinagtutuunan din ng pansin ng DICT ang pishing at scamming kaya naman mayroon nang teknolohiya at mga hakbang na ginagawa ang ahensya katuwang ang National Telecommunication Commission (NTC).

Sa pamamagitan aniya ng nasabing teknolohiya o ISP security sa sandaling tangkain ang pang-i-scam at pishing ay direktang maipapadala sa baseline o DICT kung saan dito na mahaharang ang tangkang panloloko sa mga biktima.

“Kapag nagpadala ng scam o pishing site, kapag kinlick mo ay pupunta lang sa isang baseline or DICT “, ayon pa kay Dy.

Bagama’t hindi aniya 100 percent sure na mawawala na ang scamming ,pishing at ibang uri ng panloloko online, ay malaki naman aniya ang tyansa na mabawasan at mahahadlangan ito dahil sa nasabing teknolohiya na advanced Protective DNS and Content Filtering solution na pinapagana naman ng Whalebone.

Ayon kay Dy, alinsunod ito sa memorandum circular 001-01-2025 ng NTC na nag-uutos sa mga Internet Service Providers (ISPs) na ipatupad ang Protective DNS para sa cyber threat mitigition at network protection.(Jocelyn Domenden)