Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGSALITA ang anak ng ex-boyfriend na doktor ni Kris Aquino na si Dr. Mark Padlan hinggil sa paratang ng netizens sa kanyang ama.
Ang dami kasing kumakalat na maling kwento tungkol sa relasyon ng ama at sa Queen of All Media.
Ipinahayag niya na minahal ng kanyang ama si Kris ngunit hindi sapat ang pagmamahal para magtagal ang kanilang relasyon.
Pagbabahagi ng anak ng doktor na nagsakripisyo ang ama para sa aktres kahit na naapektuhan ang oras nito sa kanilang magkakapatid.
Nanawagan siya na huwag nang magpakalat ng maling kwento at iginiit na nananatili ang respeto nila kay Kris.
Ipinagtanggol ng anak ang ama mula sa mga maling kwento at mapanirang salaysay na kumakalat sa social media.
Sa isang emosyonal na post na pinamagatang “A Son’s Love and Truth: Defending My Father’s Honor,” nilinaw niya ang tunay na dahilan ng paghihiwalay nina Dr. Padlan at Kris, at ibinahagi rin niya ang mga sakripisyong ginawa ng ama para kay Kris kahit na ito ay nagdulot ng hirap sa kanilang pamilya.
Ayon sa kanya, naghiwalay sina Kris at Dr. Padlan dahil nawala na ang “spark” sa kanilang relasyon. Bagama’t hindi nagtagal ang kanilang pagsasama, binigyang-diin niya na totoo ang pagmamahal ng kanyang ama kay Kris. Ibinahagi rin niya na naglaan ng oras si Dr. Padlan para mapanatili ang relasyon nila ni Kris, kahit pa madalas itong lumilipad sa Amerika upang makasama ang aktres.
Kahit na umano naaapektuhan na ang kalusugan, negosyo, at relasyon sa kanilang pamilya ay patuloy na ginagampanan ng ama ang pagiging boyfriend nito sa aktres dahil mahal nga raw ng doktor si Kris. Kahit na nararamdaman daw nilang magkakapatid na nawawalan na ng oras sa kanila ang ama.
Nauunawaan nila ang sitwasyon dahil nakita nila kung paano kailangan ni Kris si Dr. Padlan sa panahong iyon. Nilinaw rin niya na hindi kailanman humingi ng anumang bagay si Dr. Padlan kay Kris, at anumang naibigay ng aktres, maging pinansyal man o regalo, ay mula sa kabutihan ng kanyang puso.
Sa kabila ng lahat ng sakripisyo, binigyang-diin nito na nanatiling tapat at matatag ang kanilang ama sa kanilang pamilya, kahit sa pinakamahirap na panahon. Ipinaliwanag din niya na aalis na ng bansa ang ama upang alagaan ang kanyang tiyahin na sumailalim sa operasyon, na aniya’y patunay ng pagiging mapag-alaga at uunahin ng kanyang ama ang iba bago ang sarili. Nanawagan siyang itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon at hiniling na huwag nang dungisan ang pangalan ng kanyang ama.
Sa kabila ng kanilang nararamdaman, ipinahayag pa rin niya ang respeto kay Kris at ang pagmamahal nila sa kanilang ama.
“We love you, Mama Kris, and we love our father as well. Family is family. That is why I am here—to support my father and stand by my family.”
Wala pang tugon si Kris sa pahayag ng anak ng kanyang ex boyfriend doktor.
***
NADINE, DE LIMA AT ROBREDO MAY DANCE COLLAB NA ‘ANXIETY’
MAY collaboration Anxiety Dance Challenge ang award -winning actress Nadine Lustre, Leni Robredo, at Leila de Lima kung saan viral ang kanilang dance video.
Agad na nakakuha ng pansin ang lively collaboration ng tatlong personalidad sa netizens at ibinahagi nila ito sa online.
Ang dance video ay pinost ni Robredo sa kanyang official Facebook page.
Nasorpresa ang netizens dahil game na game ang dalawang pulitiko sa pakikipagsayaw sa aktres.
Ang dance session ay kanilang ginawa during a community walk for the party-list group Mamamayang Liberal (ML) sa Naga City, Camarines Sur.
Si De Lima ay first nominee ng ML party-list kung saan ini-endorso siya ni Nadine.
Parehong nakasuporta sina Robredo at Lustre behind De Lima’s campaign, underscoring their confidence in her leadership.
Sa caption ng kanilang dance collaboration, nilagyan ito ni Leni ng caption.
“Salamat sa pag-direk, Nadine Lustre. Nag enjoy kami ni 1st nominee, Leila De Lima.”
***
NAPILI si Atasha Muhlach para gumanap na lead cast sa PH adaptation ng ‘Bad Genius’ na isang Thai movie.
Viva ang magre-remake na rinemake na rin ng Cambodian film.
Ang komento ng netizens sa pagbi-build up nila kay Atasha, “80s pa lang ganyan na mag-build up ang viva. From bagets, TGIS 1st batch and 2nd batch, the Jadine.”
“Philippines no originality”
Tanong ng netizens sa acting ability ng anak ni Aga Muhlach.
“Marunong ba umarte?”
“Obviously hindi. Ni hndi nga matatas sa ating sariling wika/lengwahe. Shes just another nepo baby”
“Pwede naman sila bigyan ng chance pero sana gaya ng iba mag start as support support muna as training ground hindi yung ganyang big break at lead agad. Di na nga nila naranasan mag audition at ma-reject e. I wonder pa nga if napapagalitan ba yan sa set”
“Yung “iba” kasi nag-start talaga as child actors/actresses tapos yung iba naman supporting character like young ML or FL. Si Atasha bida agad kahit inexperienced o wala pang napatunayan.”
“Nasasayangan ako sa material. Maganda at promising sana yung material e magandang i-explore kung paano siya i-take at gawing Filipino version. Sana man lang yung mga umaarte talaga at “actor” talaga na artista ang kinuha nila na lead kasi para maiportray talaga nang maayos yung role at kwento. Hay”
“yung bina bash todo mga twins ni mina dahil nag artista daw at buti pa yung twins ni aga dahil umiwas sa showbiz kaya sosyal ang dating…. ansabe nyo ngayon?”
“Alta parin naman dating nila kahit nagartista sila. Same ng nanay nila si Charlene na kahit noong active pa sa showbiz, hindi baduy tignan. Classy parin.”
“Pinipilit pinapasikat kaso waley appeal.”
“Tash reminds me of how they built up a young KC Concepcion – ultimate It girl, the face of brands with commercials/endorsements, bida agad sa series/film, but eventually, people lost interest in her kasi walang mass appeal”
“swerte ng muhlach twins. everything handed to them on a silver platter. in fairness naman lalo na kay andres he gave justice sa keifer role niya. at mukhang pursigido naman ang kambal sa pananagalog. yung hyacinth ang sablay, ewan ko bakit pinupush yan.”