Advertisers
Patuloy ang pamamayagpag ni Caloocan Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa survey kontra sa kanyang katunggali sa pagka-alkalde ng Caloocan na si dating Senador Antonio Trillanes.
Sa inilabas na resulta ng survey na isinagawa ng Social Weather Stations, 85% ng mga Batang Kankaloo na tinanong kung sino ang kanilang iboboto kung ngayon gaganapin ang halalan ang sumagot na suportado nila ang muling pagtakbo bilang alkalde ni Malapitan. Samantala, sadsad naman sa 10% ang nakuhang suporta ni Trillanes.
Nito lamang Pebrero 2025, naglabas din ang SWS ng survey kung saan lagpak din ang trust ratings na nakuha ng dating Senador na negative 22 habang umalagwa naman si Malapitan na nakakuha ng positive 75 net trust rating. (BR)