Advertisers
ISANG 13-anyos ang pinakabatang kaso ng HIV sa Palawan, na nakuha sa pa-kikipagtalik, ayon sa City Health Office (CHO) Amos Tara Community Center.
Nagbabala ang mga opi-syal sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga menor de edad na may HIV.
Ayon kay CHO Program Coordinator Regina Villapa, may 17 kaso ng HIV sa mga batang hanggang 14 taon gulang, kabilang ang isang sanggol na nahawa mula sa ina.
Sa mga kabataang edad 15-24, may 391 kaso; sa 25-34 may 593 kaso; sa 35-49 may 187 kaso; at 22 kaso sa edad 50 pataas.
Ang Puerto Princesa ang may pinakamaraming kaso ng HIV sa MIMAROPA, 709 sa kabuuang 1,198 kaso sa Palawan mula 1988.
Ang RedTop Center sa Ospital ng Palawan ang nag-iisang treatment hub sa probinsya, kasalukuyang nagsisilbi sa 1,210 pasyente.
Kahit libre ang HIV testing, marami parin ang nag-aatubili dahil sa takot o kakulangan sa kaalaman.
Patuloy na hinihikayat ng health officials ang publiko na magpasuri, tiniyak ang pagi-ging kumpidensyal at mada-ling access sa testing.