Advertisers
KAPWA walang buhay nang bumulagta ang isang barangay tanod at magsasaka nang pagbabarilin matapos na dumalo sa court hearing ang mga ito sa Barangay Putat, Nasugbu, Batangas.
Sa ulat, kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan mula sa kalibre .45 sina alyas Samuel 35 anyos, barangay tanod, ng Barangay Bunducan, Nasugbu, Batangas; at alyas Francisco, 57, ng Sitio Dalig, Barangay Bunducan.
Base sa inisyal na report kay Police Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO4 Calabarzon, 10:52 ng umaga ang mga biktima ay magkaangkas sa motorsiklo papauwi matapos dumalo sa court hearing sa RTC Branch 14, sa Nasugbu nang pagbabarilin.
Kaagad tumakas ang salarin na sakay din ng motosiklo.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 3 basyo at isang bala ng caliber .45.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.(Koi Laura)