Advertisers

Advertisers

Late FPJ At Berting Labra Nagkaroon Pala Ng Matinding Hidwaan; Pinakamamahal Na Si Sir Larry Krull Namaalam Na, Ma’am Joyce Krull Ipagpapatuloy Ang Midwest Driving School

0 25

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

SA pamamagitan ng Vlog ni Rhy TV, napanood ko ang interview ni Rhy kay Jovy, bunsong anak ni Berting Labra sa kanyang second family. At doon ay aking nalaman na kahit pala gaano kalalim ang pinagsamahan ng pagiging magkaibigan ni Berting at kapwa niya namaalam na sa mundong ito na si Fernando Poe, Jr, dumating pala sila sa sitwasyon na gusto nang sunugin ni Berting ang tulay ng friendship nito kay FPJ na itinuring niyang kapatid.

Labis kasing nasaktan ang komedyante sa ginawa ni FPJ sa Famas Awards Night, kung saan ay wala raw kaabog-abog na nilapitan siya ni FPJ at pinunit ang suot nitong damit at binawi pa ang ibinigay sa kanya nitong 50,000 na cash.



Sa pagkabigla raw ni Berting sa iskandalo at pamamahiya na ginawa sa kanya ni FPJ ay nakaramdam ito ng sobrang galit at muhi sa kaibigang Hari ng Aksyon, ito’y ayon pa sa kwento ni Jovy kay Rhy. At dagdag pa ni Jovy, mahigpit na utos sa kanyang kuya ng kanilang Tatay (Berting) na kapag tumawag si FPJ ay babaan nila ito ng telepono at ayaw niyang makipag-usap rito. At kaya pala ganoon na lang katindi ang galit ng kanilang tatay ay pinagbintangan ito ni FPJ na ipinagkakalat siyang hindi marunong umarte na hindi raw ginawa ni Berting.

Kaso naniwala raw si FPJ sa mga sabi-sabi at sulsol! Pero nataon na malapit na ang election at tatakbong presidente si FPJ. Hayun at pinuntahan nito nang personal si Berting sa bahay nito sa Caloocan. Pinatuloy ito ni Jovy at nang sumilip raw sila ng kanyang kuya nakita nilang nag-uusap ng masinsinan ang kanilang Tatay na biglang nawala ang galit kay FPJ nang abutan ito ng 100,000 cash. Pera raw kasi o peratherapy ang nagpapagaling sa may sakit nilang ama, pagbibiro pa ni Jovy. Tinulungan daw ng kanilang tatay Berting si FPJ sa kampanya nito sa parteng Kabisayaan. And the rest is history, pareho nang nasa heaven ang kapwa sikat na magkaibigan at kumpare.

***

NAMAALAM na mapayapa ang Father of Midwest Driving School sa Kansas, USA na si Sir Larry Krull. Nag-iwan ng magandang legasiya si Sir Larry na very kindhearted, generous, great husband, great daddy and grandfather at may good name. Sa loob ng maraming taon ay maayos nilang napamahalaan ng kanyang beautiful wife na si friendship Joycelin Torres-Krull ang kanilang Driving School na trusted ng lahat sa Kansas. Bago namaalam si Sir Larry ay na-feature pa siya sa FOX News para sa huling coaching stint niya sa 2024 Senior Softball World Championship sa Las Vegas. Yes, noong kanyang kabataan ay champion si Sir Larry sa field na ito at nakilala talaga siya. Well attended ang wake at burial ni Sir Larry. Ibig sabihin ay well-loved siya ng nakararami.

Samantala, malungkot man sa paglisan ng kanyang hubby ay kailangang ipagpatuloy ni Beautiful Friendship Joyce ang pagma-manage ng kanilang Midwest Driving School na 50 years na sa kanilang pamamahala at nagsisilbi sa mga gustong matutong mag-drive. At isa sa kanilang ipinagmamalaki ay maingat ang kanilang mga driver, kaya safe sa road ang mga estudyanteng mag-aaral ng driving sa kumpanya.



Kaka-deliver lang pala ng kanilang White Nissan Versa na pang 11 cars nila sa Midwest. Well, nang makausap namin si friendship Joyce via video call para ipaabot ang sinsero naming pakikiramay sa pagyao ni Sir Larry. Ang mami-miss daw niya sa kanyang husband ay yung madalas nilang pag-travel sa iba’t ibang bansa. Pero masaya siya na mula magkasakit at ma- hospitalized hanggang sa bawian ng buhay si Sir Larry ay parati siyang nasa tabi nito at naalagaan niya at naipakita ang wagas niyang pagmamahal sa longtime partner. Yes, grabe ang pagmamahalan ng couple na ito na pareho kong nakilala sa aking Vlog sa PPA Entertainment Network na nagpakita ng love at support sa akin, lalo na noong kasagsagan ng pandemya. Rest in Peace in Heaven my Dearest Sir Larry Krull.