Advertisers
Ni Beth Gelena
KINILIG ang fans ng KimPau sa ‘countdown’ video na inilabas ni Kim Chiu sa online.
May pinost na video sI Kim sa IG kung saan magkasama sila nI Paulo Avelino.
Viral ang nasabing video na nagjo-jogging sila sa Dubai, United Arab Emirates.
May meaningful caption na sinulat si Kim hinggil sa kanilang upcoming rom-com na pelikula, ang My Love Will Make You Disappear.
Aniya, “Countdown to MY LOVE WILL MAKE YOU DISAPPEAR, showing day in running version with the beautiful view of Burj Al Arab! Can’t believe 10 more days to go showing na po ang movie! See you all in cinemas worldwide! Save the date #March26.”
Ayon kay Kim, ang My Love Will Make You Disappear ay may screenings scheduled around the globe, including Australia, Singapore, Italy, and Cambodia.
Komento ng mga Kim-Pau fans, “Hala, ang kyoot niyo naman Ate Kim! Sana more videos pa ng workout char.”
“Bought tickets for my whole family here in NYC! Can’t wait to watch!”
***
KYLE ECHARRI UMIIWAS KAY ANDREA BRILLANTES
GRABE ang pulumpon na red roses ang natanggap ni Andrea Torres nung kanyang kaarawan.
Halos matabunan ng mga bulaklak ang young aktres.
Sa Instagram ni Andrea, “birthday week!”
Napansin ng netizens na tila wala si Kyle Echarri sa birthday event ng aktres.
Sey ng netizens: “Looks like Kyle wasn’t invited this year. Maybe next year I guess. Every year has new set of people.”
May nakapansin naman sa teeth ng aktres.
“What happened to your teeth?”
“Natamaan ng frisbee nasa bday vid niya.”
“She had so much fun”
Maraming naghahanap kay Kyle.
“Bakit wala si Kyle”
“Baka awkward si Kyle sumama since anjan si alleged bf. Maybe he’ll got hurt kaya siya na lang umiiwas”
“Halatang masaya kasi pati ngipin naputol hahahaha”
“Noooo what happened to your front teeth”
“Hala sayang naman ung ipin niya nabasag ba talaga sa frisbee? Yaan mo na veneers is the key”
“Ang gwapo ng jowa mo @blythe”
“Blythe wow that bouquet is stunning? Wishing you the happiest birthday week filled with love, laughter and more surprises as beautiful as this”
***
KEANNA REEVES INIYAKAN SI JOHN PRATS
SA Fast Talk with Boy Abunda ay binulgar ni Keanna Reeves na iniyakan noon si John Prats.
Nagkasama ang dalawa sa Bahay ni Kuya at naging malapit sila sa Isa’t isa nang nasa loob ng PBB house.
Pero, nagkaroon ng komplikasyon ang pagiging malapit nila dahil may kasintahan si John.
Naging emosyonal si Keanna nang ireklamo ni John kay Kuya ang kanilang paghalik.
Baka umano ma-misinterpret sa labas.
Sa kabila ng isyu, nagkaayos din sina Keanna at John at mas naging malapit na magkaibigan pagkatapos ng palabas.
Ayon kay Keanna, nagkaroon siya ng pagtingin kay John habang nasa loob sila ng Bahay ni Kuya.
Nagsimula raw ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan, ngunit naging kumplikado ang sitwasyon dahil may girlfriend na si John noong pumasok siya sa PBB House.
“Naging best friends kami tapos may issue-issue sa loob. Kasi may girlfriend siya noong pagpasok. Tapos noong paglabas parang naghiwalay ata sila,” ani Keanna.
Inamin din ni Keanna na may pagkakataong naghalikan sila sa labi, ngunit nagreklamo si John kay Kuya na baka ma-misinterpret ito ng mga manonood.
“Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka raw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos siya naman yung lapit ng lapit. Siya naman ‘yung kiss ng kiss,” dagdag pa niya.