Advertisers

Advertisers

Keanna ibinuking, iniyakan si John

0 11

Advertisers

Ni Archie Liao

MARAMING pasabog na pinakawalan si Keanna Reeves nang maging panauhin siya ni Boy Abunda sa Fast Talk kamakailan.

Ito ay may kinalaman sa kanyang makulay at masalimuot na lovelife.



Noon pa kasi ay naging vocal na ang dating PBB housemate na marami na siyang karanasan sa iba’t ibang lalake.

Kasama na, of course, dito ang ilang bagets na na-link sa kanya noon tulad nina Luis Manzano at John Prats.

Hindi naman niya ikinaila na nagkaroon siya ng pagtatatangi kay John habang nasa loob sila ng bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother.

Nagsimula raw ang kanilang pagiging malapit bilang magkaibigan, ngunit naging kumplikado ang sitwasyon dahil may girlfriend na si John noong pumasok ito sa bahay bilang housemate.

“Naging best friends kami tapos may issue-issue sa loob. Kasi may girlfriend siya noong pagpasok. Tapos noong paglabas parang naghiwalay yata sila,” ani Keanna. Hindi rin niya itinago na may pagkakataong naghalikan sila sa labi, ngunit nagreklamo si John kay Kuya na baka ma-misinterpret ito ng mga manonood.



“Kasi nagki-kiss kami sa lips noon. Tapos nagreklamo siya kay Kuya na baka daw ma-misinterpret iyon sa labas. Tapos siya naman yung lapit ng lapit. Siya naman ‘yung kiss ng kiss,” dagdag pa niya.

Sey pa niya, sobra raw siyang nasaktan sa nangyari kaya talagang iniyakan niya ang aktor.

Ang pinakamasakit daw na ginawa nito ay nang ikumpara nito ang kanyang halik sa isang ina na humahalik sa anak. “Kaya umiyak ako. ‘Kung nagrereklamo ka, bakit hindi mo sabihin sa akin? Bakit sinasabi mo pa kay Kuya na naiilang ka?’” Ayon kay Keanna.

Sa kabila ng insidente, naayos din ang kanilang relasyon at naging mas malapit na magkaibigan daw sila matapos lumabas ng bahay ni Kuya.

Sa naturang tsikahan, ibinida rin niya na inakala niyang liligawan siya noon ni Rustom Padilla na ngayon ay BB Tatlonghari na.

***

Disney’s Snow White at Eraserheads Docu-Musical, nabigyan ng PG; Iba pang pelikula, R-13 at R-16

HANDA na ba kayong makikanta?

Iyan ang hamon ng “Disney’s Snow White” at “Eraserheads: Combo on the Run” na parehong binigyan ng PG rating (Patnubay at Gabay ng Magulang) ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, “ang mga pelikulang may PG ay mas mae-enjoy ng mga bata kung ito ay papanoorin ng may patnubay at gabay ng mga magulang o nakatatanda.”

Tinitiyak ng PG na ang mga magulang ay may sapat na kamalayan para ipaliwanag sa mga batang manonood ang mga nangyayari sa palabas.

Ang South Korean crime thriller na “Nocturnal,” ay rated R-13, para sa mga edad 13 at pababa.

Habang ang horror-thriller na “Sofia the Possession,” tungkol sa paghahanap ni Sofia sa nawawala nitong ina, at ang Filipino horror na “Postmortem,” tungkol sa paranormal phenomenon, ay parehong R-16 o angkop lang sa edad 16 at pataas.

Hinikayat ni Sotto-Antonio ang mga magulang na kausapin ang mga bata hinggil sa mga eksena na posibleng makaapekto sa kanilang murang kaisipan.

“Ang patnubay at gabay ng mga magulang ay napakahalaga para matulungan ang mga bata na maintindihan ang mga maselang eksena para maiwasan ang maling pakahulugan sa kabuuan ng pelikula,” sabi ni Sotto-Antonio.