Advertisers

Advertisers

Comelec sa mga botante: Ireklamo mga sangkot sa vote buying

0 9

Advertisers

HINIMOK ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko na magsampa ng reklamo laban sa sinumang aspirante o kandidato na sangkot sa pamimili ng boto at iba pang paglabag sa patakaran hinggil sa kampanya at elek-syon

Ginawa ito ni Comelec Chairman George Erwin Garcia kasunod ng pagtuligsa sa umano’y mga aspi-rante na sangkot sa iregularidad.

Aminado si Garcia na dahil sa naunang desisyon ng Korte Suprema ay walang premature campaigning pero umaasa silang mababago pa rin ito.



Kailangan lamang may maghain ng reklamo na aaksyunan ng Comelec na maidudulog sa Kataas-taasang Hukuman.

Giit ni Garcia, maaari namang magbago ng posisyon ang Supreme Court pero kailangang mayroong isyu na maiaakyat para talakayin ng mga mahistrado.