Advertisers

Advertisers

“Bago at modernong Pritil Public Market ay para sa public service at di para pagkakitaan” – Mayor Honey

0 20

Advertisers

SINA Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Kasama ang mga senior citizens mula Pritil na nagpasalamat sa itatayong new, public market sa kanilang lugar. (JERRY S. TAN)

ISANG bago at modernong public market na layuning makapaglingkod sa residente ng Tondo at ‘di para pagkakitaan ang itatayo sa Pritil bilang kapalit ng nasunog na palengke noong 2023 at naging dahilan din upang mawalan ng pwesto ang mga vendors dito.



Pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes ang groundbreaking para sa Bagong Pritil Public Market sa Tondo, Manila kung saan inaasahang matapos ang konstruksyon sa October 2026.

Nabatid na kabilang sa mga katangian ng bago at modernong palengke na itatayo ay ang mga sumusunod: 388 dry stalls, 281 wet stalls, dry storage and ice storage, parking area, roof deck para sa 114 cars at 40 motorcycles, all-gender and PWD public toilets, male public toilets, PWD access ramps, sewage treatment plant and waste facility storage.

Mayroon din itong underground cistern para sa pagpigil ng baha, habang ang tanggapan nito ay ilalagay sa roof deck.

Ang bagong public market ay itatayo sa 11,930 square meter floor area sa halagang P283.63 million.

Binigyang diin ni Lacuna na ang pondo para sa pagtatayo ng Phase I ng infrastructure project ay nagmula sa city’s special purpose appropriations para 2025 at walang inutang ang pamahalaang lungsod.



“Today marks the start of Phase 1. Even when the public market is only partially completed, we will strive to make it partially operational so that area residents need not travel far for their daily and weekly marketing. The sooner, the better but without compromising on quality and safety,” pahayag ni Lacuna sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng nasabing palengke.

“Funding for this project comes from our city’s budget for 2025, hindi galing sa utang. This is the result of our administration’s award-winning good financial housekeeping, which we earned for three straight years,” dagdag pa nito.

Tiniyak ng alkalde na ang occupancy rates para sa stalls at paggamit ng cold storage ay gagawing affordable at reasonable ang upa para naman mai-alok ng mga vendors ang kanilang mga tinda sa murang halaga.

“These usage fees are for the maintenance of the public market, not investment recovery

This public market is for public service, not profit-making. Most importantly, my administration will not sell the land on which the public market is being built.

Site preparation started even before groundbreaking. Daig ng maagap ang masipag. Daig ng masinop ang utangero,” giit pa ni Lacuna. (ANDI GARCIA)