Advertisers

Advertisers

3 patay sa sunog sa Tondo

0 18

Advertisers

Kumpiramdong tatlo ang iniulat na namatay sa sunog sa residential area sa Tondo, Maynila Huwebes ng hapon.

Sa imporamsyon mula sa Bureau of Fire Protection(BFP), dalawang senior na mag-asawa at kanilang anak ang na-trap sa loob ng kanilang bahay nang hindi na makalabas dahil na rin sa katandaan at hirap nang lumakad.

Ala-1:22 nang masgimula ang sunog sa 2 storey residential structure sa R. A.Reyes St., sakop ng Barangay 58, Zone 5 Tondo,Manila.



Inakyat sa ikalawang alarma ang sunog at idineklrang fire out 2:41 ng hapon.

Ang mag-asawang biktima nasa edad 70 at 78 habang 45-anyos naman ang kanilang anak.

Samantala, sugatan naman ang tatlong fire volunteer at isang civilian.

Nasa 18 pamilya ang apektado sa sunog o 54 indibidwal ang nawalan ng bahay habang umaabot sa P800 libong piso ang pinsala sa sunog na nagsimula sa bahay ni Loreta Flores. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">