Advertisers

Advertisers

Vlogger na pulis, umayaw sa neuro test

0 25

Advertisers

Maraming beses nang tumangging magpasailalim sa neuropsychiatric examinations ang vlogger na si Patrolman Francis Fontillas na bumabatikos sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) at administrasyong Marcos dahil sa pag-aresto sa dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa pulong balitaan, nitong Miyerkules, sinabi ni Quezon City Police District (QCPD) Acting District Director, P/Col. Melecio M Buslig, Jr, hindi umano makontrol ni Fontillas ang kanyang emosyon at may mga biglaan itong pagbabago sa kanyang pag-iisip at kadalasan ay madaling magalit.

Patuloy pa rin umano si Fontillas sa pagpo-post at pagbatikos sa social media laban sa PNP at sa sinumang nais nitong tuligsain.



Kaya naman hinikayat nila si Fontillas na lumutang at sumailalim sa psychiatric exam nitong Lunes pero patuloy itong tumatanggi.

Ayon kay Buslig, sa ngayon ay ikinukunsidera nang absent without official leave (AWOL) sa PNP service si Fontillas.

Kinumpirma din ni P/Lt. Col Van Jayson Villamor, hepe ng Quezon City Police District QCPD medical and dental unit, na kinakitaan na nila ng mga senyales o red flag na mayroong mental psychological problem si Fontillas.

Sa katunayan aniya, umiinom ng gamot o anti-suppressant o pampakalma si Fontillas.

Batay sa rekord ng QCPD, nonng February 11 pa nadis-armahan si Fontillas dahil sa mayroon na silang mga patawag dito para magpaliwanag pero hindi ito tumatalima.



Giit ni naman ni Buslig, kapag umabot ng 30-days at hindi pa rin ito lumutang ay isusulong na nila ang proseso ng dismissal from service laban kay Fontillas.

Kaugnay nito, kakausapin din umano ng QCPD ang mga nangangasiwa ng Facebook at Tiktok para ipatanggal ang mga vlog ni Fontanillas na umaatake sa PNP at administrasyong Marcos.

Magugunitang kinasuhan na ng kasong paglabag sa Article 142 ng RPC (Inciting to Sedition) na may kaugnayan sa R.A 10175 0 Cybercrime Prevention Act of 2012, ang isinampa ng pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU- QCPD) laban kay Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas, nakatalaga sa District Personnel Holding and Accounting Section (DPHAS) sa Quezon City prosecutor’s office.

Sa rekord mula sa District Personnel Records and Management Division (DPRMD), si Fontillas ay itinalaga sa DPHAS noong Pebrero 20, 2025, ngunit absent without official leave (AWOL) mula noong Marso 6, ngayong taon.

“The QCPD reminds all personnel to adhere to the highest standards of professionalism and discipline. PNP officers shall remain apolitical and non-partisan at all times and we must refrain from posting unauthorized and biased contents in social media and other communication platforms,” pahayag ng QCPD chief. (Almar Danguilan)