Advertisers

Advertisers

SOLGEN GUEVARRA, NANINDIGAN NA WALANG HURISDIKSYON SA PILIPINAS ANG ICC

0 15

Advertisers

AYAW ng Office of the Solicitor General (OSG) na kumakatawan sa mga opisyal ng gobyerno na kumokwestyon sa mga petisyong inihain sa Korte Suprema kaugnay sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC).

Sa ilalim kasi ng batas, ang OSG ang nagsisilbing abogado ng gobyerno.

Subalit sa inihaing manifestation of recusal nitong Lunes, nanindigan si Solicitor General Menardo Guevarra sa matatag na posisyon ng OSG na walang hurisdiksiyon sa Pilipinas ang ICC at ang investigative, prosecutorial at judicial system sa bansa ay gumagana, kayat posibleng hindi nito epektibong mairepresenta ang mga respondent sa mga kasong ito at tumangging makibahagi dito.



Sa huli, hiniling ni Guevarra sa Korte Suprema na ikonsidera ang kaniyang mosyon.

Hindi naman binanggit ng SolGen sa kaniyang mosyon ang isyu sa International Criminal Police Organization (Interpol) na siyang nagpaalam sa Pilipinas kaugnay sa arrest warrant sa dating Pangulo. Nauna na kasing ikinatuwiran ng ilang opisyal ng gobyerno na bagamat wala ng hurisdiksiyon ang ICC sa PH, miyembro pa rin ang bansa sa Interpol.

Samantala, kinumpirma naman ng Korte Suprema ang paghahain ng mosyon ng SolGen. Ayon kay SC spokesperson Camille Ting, natanggap ng korte nitong hapon ng Lunes ang manifestation of recusal ng OSG mula sa mga inihaing consolidated habeas corpus petitions mula sa mga anak ng dating Pangulo na sina Veronica “Kitty” Duterte at Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Kinumpirma din ng SC na nakatanggap sila ng mosyon para tanggalin si Guevarra bilang party respondent sa mga kaso.

Maliban nga kay Guevarra, kabilang sa mga respondents sa petisyon ay sina Executive Sec. Lucas Bersamin, DOJ Sec. Boying Remulla, PNP Chief Rommel Marbil, PMGen. Nicolas Torre III, DFA Sec. Enrique Manalo, Immigration Commissioner Joel Viado, AFP Chief Romeo Brawner, at USec. Antonio Alcantara ng Philippine Center on Transnational Crime



Samantala hindi pa umano napag-uusapan ng Malacañang kung dapat na bang palitan si Solicitor General Atty. Menardo Guevarra bilang kinatawang abogado ng gobyerno.

Kasunod ito ng pagtanggi ni Guevarra na humarap sa Korte Suprema para sagutin ang writ of habeas corpus na inihain ng mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, si Guevarra na dapat ang magsuri sa kaniyang sarili kung kaya pa ba niyang gampanan ang kaniyang tungkulin.

Mismong ang Solicitor General na rin kasi ang nagsabi sa kaniyang manifestation sa Korte Suprema na hindi niya epektibong magagampanan ang pagiging kinatawan ng gobyerno sa kasong ito dahil walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Pero nilinaw naman ni Castro na hindi nakasaad sa manifesto ni Guevarra na mali ang ginawang pagtulong ng gobyerno sa Interpol para maaresto si dating Pangulong Duterte.

Ang tinutukoy lamang nito sa kaniyang manifestation ay ang hurisdiksyon ng ICC sa bansa.
Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.