Advertisers

Advertisers

ROQUE, MEDIALDEA ‘DI BAHAGI NG LEGAL TEAM NI DIGONG

0 6

Advertisers

KINUMPIRMA ni Vice President Sara Duterte na hindi na magiging bahagi ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Ayon kay VP Sara, nais nila na abogado na may karanasan sa paghawak sa kaso ang ICC ang magdepensa sa dating pangulo.

Habang nais din ni VP Sara na makapag-focus si Roque sa kahilingan nitong asylum sa The Netherlands.



Bukod sa lead counsel ng dating pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman, kukuha pa sila ng isang dayuhang abogado.

Sinabi ni VP Sara na sa ngayon ay may mga kinakausap pa siyang mga abogado.