Advertisers
HINAMON na rin ng Malakanyang si Vice President Sara Duterte na umuwi sa bansa para harapin ang mga isyung kinahaharap niya, tulad ng confidential funds.
Sinabi ni Palace Press Officer USec. Claire Castro, naiintindihan naman aniya nila ang pinagdadaanan ni VP Sara at pangangailangan nitong tulungan ang kaniyang ama.
Pero huwag din sana aniya nitong makalimutan ang kanyang responsibilidad bilang bise presidente at pagsilbihan ang mga taong bumoto sa kanya.
Dagdag pa ni Castro, dapat sagutin ni VP Sara ang mga kwestiyon kaugnay ng paggamit ng confidential funds ng kanyang opisina, matapos lumutang ang mga bagong kahina-hinalang pangalan na nakatanggap ng mga pekeng resibo.
Pero sa kabila ng mga isyu, may pagkakataon naman aniya si VP na pasinungalingan ang mga paratang kaya dapat ay umuwi na rin siya ng bansa.
Panawagan naman ni Castro sa mga kongresista, paigtingin ang imbestigasyon sa paggamit ng Office of the Vice President (OVP) sa confidential funds dahil karapatan ng publiko na malaman kung paano ginastos ang pondo.