Advertisers
Nagsagawa ng pag-aaral ang isang non-profit grossroots organization o ILAW sa ilang lugar sa bansa na apektado ng power outage kung saan apektado hindi lamang ang mga komunidad kundi maging ang turismo at negosyo sa ilang bahagi ng bansa.
Ayon kay ILAW Philippines Youth Convenor Francine Pradez at National Convenor Beng Garcia , malaki ang naging epekto ng mga blackouts sa Philippine tourism sector batay sa resulta ng kanilang isinagawang pangalawang Focus Group Discussion .
Tinukoy ng ILAW ang apat na partikular na tourist destination ang nalulugi ng 100 libong piso kada araw ang mga negosyo dahil sa krisis sa kuryente kabilang rito ang Samal, Siargao, Cebu at Puerto Galera Oriental Mindoro.
Dahil dito, nagsumite na sila ng mga rekomendasyon ng kanilang pag-aaral para sa malawakang power crisis sa Energy Regulatory Commission, National Electrification Administration at Department of Energy.
Pinuna rin ng grupo ang umanoy mabagal na usad ng mga local at national permit kung kayat patuloy na nararanasan sa mga nabanggit na lugar ang power outage.
Upang matugunan ang problema sa suplay ng kuryente, nanawagan na rin ang grupo sa mga kandidato ngayong midterm elections na maging prayoridad nila at tumuon para sa agarang solusyon at maresolba ang nararanasang krisis sa kuryente dahil napakalaki ng nagiging epekto nito at pagkalugi sa mga komunidad, negosyo at turismo sa bansa.
Sinabi rin ni Pradez na dapat tiyakin na makatarungan, maa-access at abot-kayang supply ng enerhiya para sa bawat Pilipinong mamimili.
‘We hope that by opening conversations on how the power crisis is a gutissue taht we are paving the steps towards an energy-secure future’, saad ni Pradez. (Jocelyn Domenden)