Advertisers
Ni Beth Gelena
NAG-collab ang SB19 na si Stell at Pop Royalty Sarah Geronimo ng dance video sa social media to the tune of Dam song ng grupo.
Sa Instagram, Stell at the Popstar Royalty Sarah grooving ng latest single ng P-Pop group.
Sa caption ng SB19 IG, “Si tala at si lataratara.”
Samantala, ang SB19 will go on a world tour in support of their upcoming EP “Simula at Wakas.”
Ang kickoff concert ay gaganapin sa Philippine Arena sa May 31 kung saan sold out na ang tiket.
Last week, na-hit ng grupo ang number one sa Billboard World Digital Song Sales chart para sa “DAM.”
“DAM” is the P-pop group’s second song to appear on the chart, following their smash hit “GENTO” which debuted and peaked at number eight in June 2023.
Ang SB19 ay nag-iikot sa 18 cities ng Asia, sa Pacific, Middle East, at North America para sa “Simula at Wakas” World Tour.
***
MAY binahagi si Ogie Diaz tungkol sa ex boyfriend ni Liza Soberano na si Enrique Gil.
Isiniwalat ni Papa Ogs na mahal pa rin ni Enrique si Liza.
Naganap umano ang hiwalayan ng LizQuen noong 2022 bago pa maghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Ibinunyag ng dating manager ng aktres na nakakaramdam pa rin ng kilig si Enrique tuwing makatatanggap ng mensahe mula kay Liza. Ayon pa sa former manager, may bago nang pag-ibig si Liza na si Jeffrey Oh.
Matatandaan na maraming proyekto ang pinagsamahan ng LizQuen tandem, at naging magkasintahan rin sila sa totoong buhay. Subalit, nagtapos ang kanilang onscreen partnership nang magdesisyon si Liza na ituloy ang kanyang Hollywood career matapos magpaalam kina Ogie at Star Magic ng ABS-CBN.
Bagama’t maraming haka-haka tungkol sa hiwalayan ng LizQuen, walang direktang kumpirmasyon o pagtanggi mula kina Liza at Enrique. Noong Disyembre 2023, naiulat na sa isang “unreleased interview,” inamin ni Liza ang kanilang paghihiwalay na naganap pa noong 2022, bago pa man maghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Sa kabila ng mga balita ng hiwalayan, sinabi ni Enrique sa ilang panayam na magkasama pa rin sila ni Liza.
May mga alegasyon din na may espesyal na ugnayan si Liza sa kanyang kasalukuyang manager na si Jeffrey Oh.
Noong Pebrero, lumabas ang mga bali-balitang may paparating na proyekto para sa tambalan nina Liza at Enrique.
Ayon kay Ogie, dapat magdiwang ang mga tagahanga kung magsisimula na ang pagkuha ng eksena. Aniya, may mga proyekto na nasimulan na ang shooting ngunit biglang naisantabi.
Kamakailan lamang, lumutang ang ulat na may paparating na proyekto para sa LizQuen.
“Kasi ang alam ko, parang nagtetext o nagmemessage si Liza kay Enrique, sobrang excited daw si Enrique, kinikilig pa rin. Love pa rin niya si Liza,” pagbabahagi ng talent manager/vlogger.
Nang tanungin ng co-host ni Ogie na si Dyosa Pockoh kung mahal pa rin ni Liza si Enrique, sinabi ni Ogie na hindi niya ito alam. Dagdag pa ni Ogie, may bagong pag-ibig na ngayon si Liza, na si Jeffrey Oh.
“Hindi natin alam, let’s wait and see,” ani Ogie.
***
KRIS AQUINO NAHIRAPAN LUMAKAD KINAILANGAN BUHATIN NI BIMBY
SHINARE ni Kris Aquino sa kanyang Instagram na ang in-inject na steroid sa kanyang tuhod ay sobrang sakit.
Kinailangan pa raw siyang buhatin ni Bimby. “I cannot walk, each step is agony”.
Nagbigay din siya ng update hinggil sa kanyang timbang.
Bumaba umano ng below 80 lbs (36 kilograms), and that each step she takes is agonizing, with excruciating pain extending from her knees all the way to her feet as well.
Aniya, “Last night, my rheumatologist tried ultrasound assisted targeted steroid shots on my knees…. My body reacted the same way I did when we tried 34 months ago the steroid challenge.”