Advertisers

Advertisers

Komedyante pinatahimik, pinasabog ang mukha

0 14

Advertisers

NASAWI ang isang stand-up comedian nang pagbabarilin ng tatlong lalaki sa loob ng isang beer house Sabado ng gabi sa Angeles City, Pampanga.



Hindi na naisalba pa ng mga doktor ng Angeles University Foundation Medical Center ang biktimang si Gold Dagal, 38 anyos, sanhi ng tama ng bala sa katawan at mukha.

Sa report ng Angeles City Police, naganap ang krimen sa loob ng Pampanga’s Jest bar sa naturang lungsod.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nabatid na umiinom ng beer ang biktima sa loob ng nasabing bar nang dumating ang tatlong kalalakihan. At isa sa mga ito ang bumunot ng baril at pinaputukan ang biktima sa mukha at iba pang parte ng katawan at mabilis na tumakas.

Kaagad dinala sa ospital ang biktima subali’t makalipas ang 9 oras nalagutan ito ng hininga.

Ayon sa ina ng biktima na si Jocelyn Cruz, posibleng isa sa mga salarin ang na-offend ng kanyang anak sa jokes nito.

Kilala si Dagal sa kanyang mga biro at komentaryong may kaugnayan sa isang relihiyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.