Kinakarir ang pagka-piloto… Xian bumili ng light aircraft sa Australia; BFF na sina Maricel at Roderick kapwa waging Best Comedy Actress at Actor ng Star Awards for TV
Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
WAGI ang mag-bestfriends na sina Roderick Paulate at Maricel Soriano sa 38th PMPC Star Awards For TV, na gaganapin sa March 23 sa Dolphy Theater.
Si Kuya Dick ang tinanghal bilang Best Comedy Actor para sa Da Pers Family, na pinagbibidahan ng pamilya nina Aga Muhlach,Charlene Gorzalez, Atasha at Andres.
Si Maricel naman ang win for Best Comedy Actress para sa 3 in 1 na pinagbibidahan nila ng Quizon brothers na sina Eric, Epy, Boy 2 at Vandolph.
Ang mga tinalo ni Kuya Dick sa Best Comedy Actor category ay sina Aga Muhlach, Bayani Agbayani, Empoy Marquez, Eric Quizon, Michael V at Paolo Contis.
Ang mga tinalo naman ni Marlcel sa Best Comedy Actress category ay sina Alessandra De Rossi, Chariz Solomon, Manilyn Reynes, Nova Villa, Princess Kathrine ‘Kulot’ Caponpon at Vangie Labalan.
Congrats kuya Dick and Inay Maria.
***
MUKHANG sa pagpipiloto na naka-focus ngayon si Xian Lim.
Licensed pilot na nga ang aktor. Nobyembre last year nang ibahagi niya sa Instagram ang kaniyang first solo flight at nitong Enero ay naging ganap na siyang piloto.
Bilang isang private pilot, tatlong beses pala sa isang araw ang biyahe ni Xian sa iba’t ibang lugar—na dahilan kaya hindi na din siya masyadong visible sa telebisyon at pelikula.
Ang huling seryeng ginawa niya sa Kapuso ay Love Die Repeat kasama si Jennylyn Mercado.
At bongga ha? Dahil ganap nang piloto, tinupad ni Xian ang pangarap niyang magkaroon ng sariling light aircraft.
Lumipad si Xian sa Brisbane, Queensland, Australia para tingnan, inspeksyonin, at kunin ang personal light aircraft na kanyang binili.
“This is more than I ever dreamed of as a kid,” sey ni Xian.
Sa kaniyang IG story, pinakita ni Xian ang mga larawan ng light aircraft na binili niya sa Australia.
Caption niya rito, “Pre-buy inspection, test flight at you’re mine.”
Halos isang araw lamang si Xian sa Brisbane para iuwi agad sa Pilipinas ang light aircraft na isasakay niya sa barko.