Advertisers
IBINAHAGI ni Vice President Sara Duterte ang naging kalagayan ng ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nitong gabi ng Martes oras sa Pilipinas nang dumalaw si VP Sara sa ama.
Sinabi nito na nasa pagamutan pa rin siya sa loob ng pasilidad ng International Criminal Court (ICC) at hindi pa rin naililipat sa kaniyang nakatalagang kuwarto.
Nasa ‘high-spirit’ umano ang ama at nakakakain ito ng tama dahil mayroong kanin na inihain.
Tuloy-tuloy din ang pagpupulong ng bise presidente sa mga abogado ng ama mula nang madala ito sa the Hague sa Netherland.
Matatandaang noong Marso 12 nang inaresto ang dating pangulo dahil sa war against humanity dahil sa madugong kampanya nito laban sa iligal na droga sa kaniyang termino.