Advertisers
HINDI sini-single out ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang binigyang-diin ni Palace Press Officer Claire Castro kasunod ng akusasyon ni Davao City Mayor Baste Duterte na tila tina-target ding gobyerno ang kanilang pamilya.
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Castro na ang dating Pangulo lang ang subject ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) na idinaan sa International Police Organization (Interpol).
Ayon kay Castro, parang gusto aniya ni Mayor Duterte na mas marami pang madamay dito.
Sa kabilang banda, sinabi ni Castro na posibleng paraan na naman ito ng mga Duterte para palabasin sa taumbayan na kawawa sila.
Nagpaalala rin ang opisyal na ang kaso ni dating Pangulong Duterte ay naisampa noong pang panahon ng kanyang panunungkulan kaya walang kinalaman dito ang pamahalaang Marcos. (Gilbert Perdez)