Advertisers

Advertisers

6-0 puntirya ng Lady Altas sa women’s volleyball

0 5

Advertisers

PUNTIRYA ng University of Perpetual Help ang kanilang ika-anim na tagumpay kapag nakasagupa ang San Sebastian College alas 11 ng umaga Huwebes, Marso 20 sa women’s volleyball tournament ng NCAA Season 100 sa Jose Rizal University gym sa Mandaluyong City.

Game tima ay alas 11 ng umaga.

Ang Lady Altas ni coach Sandy Rieta ang kasalukuyang nangunguna sa 10-team league na may malinis na 5-0 rekord.



Samantala, ang Lady Stags, ay pang-apat sa team standings na may 3-1 rekord.

Rieta ay muling aasa sa setter Fianne Ariola, Shaila Omipon, Winnie Bedaña, Daizerlyn Uy, Pauline Reyes, Camille Bustamante at rookie Jemalyn Menor na ang Lady Altas ay tumatakbo para sa kanilang fourth league championship ngayong panahon.

Ang Las Piñas City-based team, na inangkin ang NCAA title simula 2012 to 2014, ay sariwa pa mula sa three-set victory laban sa Emilio Aguinaldo College (EAC) nakaraang Sabado.

Sa larong iyon, Bedaña, Uy at Omipon ay nagsanib puwersa para umiskor ng 34 points para sa Perpetual Help.

Samantala, pakay ng men’s defending champion Perpetual Help Altas ang kanilang fifth win sa anim na laro kapag nakatous ang San Sebastian Stags (1-3) alas 9 ng umaga.