Advertisers
Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso ang apat na suspek matapos maaresto ng mga operatiba ng Porac Municipal Police Station dahil sa “fake gold scam.”
Sa report na tinanggap ni PNP Regional Dir. PBGEN. Jean S Fajardo, kinilala ang mga nadakip na suspek na sina alyas Eva,alyas Dex, alyas Arjay kapwa residente ng Brgy, Patling Capas Tarlac at alyas Ted ng Brgy, Inararo Porac.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga pulis nagsagawa sila ng buy bust operation laban sa mga suspek sa Sitio Pidpid, Brgy, Manuali Porac ganap na 12:10 ng madaling araw.
Subali’t nauwi ito sa ilang minutong palitan ng putok ng baril, makaraang bigla na lamang mamamaril ang isa sa mga suspek na nagresulta sa pagkakadakip ng apat.
Nakumpiska sa kanila ang isang fake gold bar, isang 38 caliber revolver, improvised shotgun, isang fragmentation grenade, jungle bolo, 2 motorcycles, at isang ‘kolong-kolong.
Nabatid na una ng nasangkot ang mga suspek sa kaso ng pananaksak sa isang alyas Edgar, 55 anyos na ikinamatay nito lamang Marso 11 2025 matapos hindi bayaran ang order na Ginto.
Samantala detenido ngayon ang mga suspek sa kasong pagalabag sa Estafa (Swindling), Attempted Murder, RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), RA 9516 (Illegal Possession of Explosives) at COMELEC Omnibus Election Code.(Thony D. Arcenal)