Advertisers
Arestado ang dalawang drug suspects, kabilang ang isang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P300k halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Miyerkoles ng madaling araw.
Sa ulat, nagpositibo ang natanggap na impormasyon ng mga opertatiba ng Northern Police District – District Drug Enforcement Unit (NPD-DDEU) hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Ronron”, 24, driver ng Brgy. 145.
Isa sa mga operatiba ng DDEU na nagpanggap na buyer, ikinasa nila ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek, kasama ang kasabwat na si alyas “Drey”, 20, sa Mapayapa St., Brgy. 145 alas-2:42 ng madaling araw.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 50 grams ng shabu na may katumbas na halagang P340,000 at buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 ng Article II ng RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(Beth Samson)