Advertisers

Advertisers

Titser pinagbabayad sa namatay dahil sa pinutol ng puno ng estudyante

0 22

Advertisers

Pinagbabayad ng Supreme Court (SC) ng danyos ang isang guro sa pamilya ng taong namatay nang tamaan ng puno ng saging na ipinag-utos niyang putulin ng kanyang estudyante.

Ayon sa Korte Suprema, maaaring mapanagot ang mga guro para sa pinsala ng mag-aaral sa ilalim ng kanilang pangangasiwa kung hindi sila nagsagawa ng angkop na pagsisikap o due diligence para mapigilan ang anumang pangyayari.

Sa desisyon na isinusulat ni Associate Justice Ramon Paul Hernando, pinagtibay ng First Division ang pananagutan ni Gil Apolinario, ang punong-guro ng Brgy. Palale Elementary School sa Sta. Margarita, Samar, para sa mga danyos na bunga ng pagkamatay ni Francisco De Los Santos.



Inutusan ni Apolinario ang 15-anyos na estudyante na natutulin ang puno ng saging malapit sa paaralan at katabi ng highway.

Tinamaan si De Los Santos na noon sakay ng isang motorsiklo.

Pinagbabayad ng SC si Apolinario ng P355,000 bilang danyos at gastusin sa paglilitis sa mga tagapagmana ni De Los Santos.

Ayon sa Korte Suprema, ang mga guro at pinuno ng paaralan ay may pananagutan sa mga aksyon ng mga mag-aaral habang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa.

Kahit sa labas ng oras ng pag-aaral, ang mga tagapagturo ay dapat magsagawa ng angkop na pagsisikap kapag nagtatalaga ng mga gawain sa mga mag-aaral.



Sa ng Civil Code, isang taong nagdudulot ng pinsala sa iba dahil sa pagkakamali o kapabayaan ay dapat magbayad para sa pinsalang nagawa.

Sa ilalim ng prinsipyo ng vicarious liability, ang obligasyong ito ay nalalapat din sa mga gurong nangangasiwa at mga pinuno ng paaralan na pangunahing responsable sa mga aksyon ng kanilang mga mag-aaral habang nasa ilalim ng kanilang pangangasiwa, maliban kung maipakita nila na gumawa sila ng wastong pag-iingat.

Sinabi ng Korte na nabigo si Apolinario na magsagawa ng due diligence. Hindi niya ginawa ang mga rekomendasyong pag-iingat upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at iba pang mga tao sa malapit na lugar na maaaring maapektuhan.