Advertisers

Advertisers

STL collector ginahasa at pinatay

0 22

Advertisers

Isang babaeng kolektor ng Small Town Lottery (STL) na walang saplot pang-ibaba na hinihinalang ginahasa ang natagpuang patay sa isang kakahuyan sa Brgy. Ibabang Bulo, Unisan, Quezon noong Linggo ng gabi.

Sa ulat ng Quezon Police, ang nasabing biktima na itinago sa pangalang Grace, inutusan ng mga ito na na-iremit ang koleksyon sa STL sa Brgy. Ibabang Panaon sa kabilang barangay ng nasabing bayan.

Gayunpaman, nagtataka ang ina ng biktima kung bakit gabi hindi pa umuuwi ang kanilang anak.



Dahil dito, nagpatulong ang ginang sa kanilang mga kapitbahay kasama ang mga barangay tanod na hanapin ang anak at dito na nadiskubre ang bangkay ng biktima sa kagubatan ng Brgy. Ibabang Bulo.

Hinihinala ng mga kasamang pinagsamantalahan ang biktimang makararaang walang saplot pang-ibaba nang madiskubre ang katawan nito.

Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga kaso ang kasong ito upang matukoy ang salarin.