Advertisers
TUTUTUKAN ng Pinoy Ako Partylist ang kapakanan ng mamamayan at isusulong ang pantay na proteksyon sa batas.
Sa paglulunsad ng kampanya sa Binangonan, Rizal, tiniyak ni Pinoy Ako Party-List nominee Danny Castillo sa mga mamamayan na tututukan ang hanapbuhay, edukasyon, kalusugan, at maayos na serbisyo ng gobyerno.
Nanawagan din ang Pinoy Ako Partylist ng pagkakaisa tungo sa mas magandang kinabukasan.
Nagpahayag ng pagkabahala ang Pinoy Ako partylist dahil mistulang naisasantabi ang interest ng mga mamamayan dahil sa problemang pulitikal o pagkakahati-hati ng iba’tibang mga grupo.
Paalala ng “Pinoy Ako” sa mga botante, maging mapanuri at maging matalino sa pagpili ng ibobotong mga kandidato.
Hindi rin dapat basta-basta maniwala sa kanilang mga pangako at sa halip at dapat maging mapagbantay sa mga insidente ng korapsyon corruption at tiyakin na ang ihahalal nilang lider ay tunay na aaksyon.
Siniguro rin ng Pinoy Ako na isusulong nito at tututukan ang kapakanan at karapatan ng mga Indigenous people.