Advertisers

Advertisers

Libreng anti-rabbies vax sa mga alagang ‘fur babies’, paanyaya ni Mayor Honey

0 16

Advertisers

BILANG pag-alala sa ‘Rabies Awareness Month,’ ay inaanyayahan ni Honey Lacuna ang mga residente ng Maynila na may alagang ‘fur babies’ na samantalahin ang libreng anti-rabies vaccination na regular na ibinibigay ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa maraming venues.

Ayon kay Lacuna, ang lokal na pamahalaan ay may vaccination program para sa mga alagang aso at pusa na ginagawa sa City Hall ng Manila Health Department (MHD) sa ilalim ni Dr. Arnold Pangan.

Ito ay bukod pa sa libreng bakuna na ibinibigay tuwing may regular tuwing may ‘Kalinga sa Maynila’ na umiikot sa mga barangay kung saan pwedeng dalhin ang kanilang alaga at hindi na kailangan pang magtungo sa Manila City Hall.



Sinabi pa ng alkalde na ang lungsod ay may waking uri ng
animal bite treatment na libre ding ibinibigay sa animal bite clinic ng City Hall, Sta. Ana Hospital sa ilalim ni Director Dr. Grace Padilla at maging sa piting health centers na pinatatakbo ng MHD.

Nabarid kay Lacuna na ang pakay ng programa ay upang nakatulong ‘di lamang sa pagbibigay kaligtasan sa mga alagang hayup kundi sa lahat ng miyembo ng pamayanan.

Binigyang diin ni Lacuna na isa ring doktor, ang kahalagahan ng pagbabakuna ng anti-rabies sa mga alagang hayup dahil ito ay naisasalin mula hayup hanggang sa tao ay maaaring nagdulot ng kamatayan.

Ang mga alagang hayup na nabakunahan na ay nagtataglay na ng proteksyon, mas malusog, at nas aktibo,ayon kay Lacuna na may mga alaga ding aso.

Iginiit pa ng lady mayor na Lacuna ang halagahan ng pagkakaroon kamalayan sa panganib na dulot ng rabies sa parehong hayup at may ari nito at sa kung sino man ang makagat ng hindi pa nababakunahang hayup



Nanawagan ang alkalde sa mga residente ng kabisera ng bansa na magsama-sama sa kampanyang mabakunahan ang lahat ng alagang hayup sa Lungsod ng Maynila at gawin ang kanilang bahagi na tiyakin na lahat ng pamayanan sa lungsod ay ligtas at malusog s lahat ng oras. (ANDI GARCIA)