Advertisers

Advertisers

Labanan ang fake news at scam job ads – TRABAHO Partylist

0 11

Advertisers

Sa paglaganap ng mga fake news kasabay ng mga modus na bumibiktima sa mga nagtatrabaho at naghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng mga scam job advertisements at recruitments, binigyang-diin ng TRABAHO Partylist ang mahalagang papel ng media literacy at ang paglaban sa fake news bilang bahagi ng pagsulong ng nation-building at paglikha ng mga trabaho.

Ayon sa partido, ang isang maalam na publiko ay susi upang magtaguyod ng napapanatiling pag-unlad at makalikha ng mga oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, binigyang-diin ng partido na mahalaga ang paglaban sa fake news upang matiyak na ang mga pambansang programa at inisyatibo para sa pag-unlad ay hindi maaabala ng maling impormasyon.



Bilang bahagi ng kanilang agenda, layunin ng TRABAHO Partylist na palakasin ang mga polisiya na magtutuldok sa pagkalat ng fake news habang isinusulong ang responsableng pagkonsumo ng media.

Sa layuning ito, nanawagan ang partido sa mga ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, at mga institusyon ng edukasyon na magtulungan sa pagpapalaganap ng media literacy bilang isang mahalagang kasanayan sa buhay.

Sa pamamagitan ng pagbibigay-kapangyarihan sa isang bansang may kaalaman sa media, naniniwala ang TRABAHO Partylist na makakapagtayo ang Pilipinas ng isang mas matatag at mas malakas na ekonomiya na magbibigay ng makabuluhan at makatarungang oportunidad sa trabaho para sa lahat.