Advertisers

Advertisers

Greatest marketing stunt, ginawa nina Sam Verzosa at RS Francisco

0 18

Advertisers

ANO ang mangyayari kapag nagsanib-puwersa ang dalawang visionary entrepreneurs para sa pinakamalaking sugal sa Philippine marketing history? Magic!

Ibang klase ang marketing stunt nina Sam Verzosa at RS Francisco – ang power duo sa likod ng tagumpay ng Luxxe White – dahil talagang pinag-usapan ito sa buong bansa.

Ang pinaniwalaan na katapusan ng Luxxe White ay isa palang strategic masterstroke – isang kakaiba at ma-dramang paraan na pinaguusapan ng lahat.



Ang kakaibang strategy nila ay talagang kakaiba at sobrang epektibo.

Natunghayan ng buong bansa ang isang spectacle na may mga billboards sa Maynila ukol sa kamatayan ng Luxxe White; isang burol sa HQ ng kumpanya; isang magulo ngunit masayang pagtitipon ng libu-libong distributors ng Luxxe White sa kanilang headquarters para makabili ng “last remaining stocks” ng produkto; and ang pinaka- experiential at elaborate na media launch na nadaluhan ng mainstream media.

Agad nagkalat ng tsismis ang mga kalaban at kritiko ukol sa pagkakaluge, kabiguan, at pagbagsak ng empire na binuo at inalagaan nina Verzosa at Francisco sa halos dalawang dekada.

Sumabog ang socmed sa mga spekulasyon na kinukwestiyon ang kakayahan ni Verzosa na pagsilbihan ang Maynila kung di naman daw nito kaya ayusin ang sarili niyang kumpanya.

At naniwala sila sa campaign.



Sa likod ng drama ay isang kalkuladong marketing strategy na dinisenyo para baliin ang mga expectations; para buwagin ang molde mga tradisyunal na marketing campaigns; at para makalikha ng di malilimutang product relaunch sa kasaysayan ng Pilipinas.

Lumabas ang totoo sa media launch – isang kakaibang rebirth na wala pang nakaka-experience.

Hindi namatay ang Luxxe White. Bagkus, nag-evolved ito bilang Luxxe White Ultima – na may bigger, better, at stronger line of products na iniiba ang kahulugan ng health, beauty, at wellness.

Hindi ito relaunch – ito ay isang rebolusyon.

Dahil mas pabolosa ang formula nito; mas malakas at epektibong sangkap; kasama pa ang kanilang game-changing approach, talagang maghahari ang Luxxe White Ultima sa industriya.

At ano ang pinaka-malaking irony? Ang mga nag-react ng negatibo at nagkalat ng fake news sa pagkaluge ng kumpanya ang naging biggest marketers ng Luxxe White Ultima ng di man lang nila namamalayan.

“Alam namin ang ginawa namin,” sabi ni Verzosa. “People love drama and controversy and we gave them a spectacle they couldn’t ignore. But instead of failure, they witnessed the rebirth of a legendary and revolutionary product.”

Dagdag pa ni Francisco, “Hindi lamang kami nag-launch ng produkto. We created a moment in marketing history. Real visionaries never follow the rules – they rewrite them.”

Lalong pinasaya nina Verzosa at Francisco ang media launch kasama si Boy Abunda bilang host at sa grand reveal ng Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Marquez Dee at ng kilalang aktres na si Rhian Ramos bialng bagong ambassadors ng brand.

Kasama ang Luxxe White Ultima, na may karagdagang dosage ng 1,400 milligrams – isang remarkable na upgrade orihinal na dosage nito ng 775 milligrams – at bagong mga sangkap gaya ng collagen; hyaluronic acid; oral sunblock; at oral moisturizer, pinakilala din ng brand ang bagong set ng double-powered health supplements na kinabibilangan ng Luxxe White Slim L-Carnitine na may garcinia cambogia at mas mataas na dosage ng 2,200 milligrams; ng Luxxe White Renew – na puno ng super berries gaya ng acai, goji, at noni fruit na may pure barley at moringa din; at ng epektibong Luxxe White Protect – na mayroong potent 500 milligrams na pure grape seed extract – na nagbibigay ng life-changing benefits ng Vitamins C, D, and E.

Sa pagbukas ng bagong yugto nito, ang buong Luxxe White Ultimate Collection ay mabibili exclusively sa mga authorized Luxxe White distributors sa buong mundo, at pangako nito ang boosted benefits para sa mga health at beauty enthusiasts.

Ngayon na ang araw para mag-level-up at mag-Luxxify para sa mga pangmatagalang benepisyo ng enhanced beauty and wellness kasama ang Luxxe White Ultima at ang Bigger, Better, and Stronger line of supplements nito.