Advertisers
INARESTO ang isang teacher-in-charge sa public school ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency-12 nang bentahan sila ng P40,800 na halaga ng shabu sa isang entrapment operation sa isang lugar sa bayan ng Kalamansig, Sultan Kudarat, gabi ng Sabado.
Kinumpirma nitong Lunes, Marso 17, ni Benjamin Recites, director ng PDEA-12, na nasa kustodiya nila ang naturang public school teacher na nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Agad inaresto ng PDEA-12 agents at mga pulis ang naturang guro nang kanilang mabilhan ng P480,000 na halaga ng shabu sa isang barangay sa Kalamansig, isang coastal town sa Sultan Kudarat.
Ayon kay Recites, naisagawa ang matagumpay na entrapment operation sa tulong ng Kalamansig Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Police Office at barangay leaders ng naturang bayan.
Ilang mataas na opisyal ng Department of Education-12 ang nagpahayag na sigurado silang masasampahan ng administrative cases ang suspek.