Advertisers
Kahapon ay St. Patrick’s Day na ginugunita sa Ireland at iba pang lugar.
Ang team ng Boston sa NBA ay pinangalang Celtics dahil sa malaking bahagi yung mga Irish sa siyudad. Mayroon ding Original Celtics na koponan na naglaro hanggang1930s.
Ang Celts ay mga sinaunang tao sa Europa na napapunta sa Ireland, Scotland at Wales nang nag-expand ang Roman Empire.
Si St. Patrick ay Englishman na naging obispo ng Ireland at patron saint ng bansa.
Ang ika-17 ng Marso ang kamatayan ng santo at itinuturing na responsable sa pagiging Kristiyano ng mga Irish. Mahalaga ang petsa na ito sa lungsod at maraming kaganapan upang ipagdiwang ang araw na ito. May parada, fun run, Irish Heritage Walk at may mga special offer sa mga bar, resto at shop
Green kulay ng jersey ng Celtics dahil iyon ang color na kumakatawan ng Katolisismo sa watawat ng Ireland. Iyon din hue ng shamrock na halaman na simbolo rin ng nasyon.
Sa huling census sa city ay sinsabing 20% ng mga residente ay lahing Irish.
***
Ibinunyag ni Fortunato Co na noong 1978 ay pumnta siya sa karibal na Toyota upang ialok ang sarili.
“Pa-expire ang kontrata ko sa Crispa noon kaya kinausap ko si Mr. Pablo Carlos na manager ng team para sa mas mataas na suweldo, “ wika ng Fortune Cookie sa isang panayam sa episode ng AEOB podcast.
Mabuti at hindi siya tinanggap ng Toyoya executive. Kung sakali hindi mababalanse ang rivalry nila ng Redmanizers kasi may kakampi pa sana si Atoy na lilipat sa grupo ni Jawo.
***
Nakabalik na ba si Kai Sotto sa kanyang koponan sa Japan B League matapos ang season dahil sa ACL injury ng Pinoy giant.?
On the way na to recovery ang kasapi ng Koshigaya at Gilas center. Sa isang social media post ay makikitang nasa gym at sinusubukan ang ilang exercise equipment.
Halos 2 buwan na mula nang mapilay ang anak ni Earvin.