Advertisers
Marami ang nagtatanong hindi lang pala basta marami kundi libong bilang ng mga Kabataang Pasigueno ang labis na nakaramdam ng pagkadismaya sa kasalukuyang kalagayan pagdating sa usaping Sports sa Lungsod na halos hindi iniintindi ng kasalukuyang Administrasyon.
Sa tutuo lang mga Ka Usapang HAUZ ang mga karatig lungsod at bayan ng Pasig City ay kabi kabila ang mga aktibidades pagdating sa usaping pangpalaksan, unahin natin ang bayan ng Cainta sa pamumuno ng Nieto Couple na halos lahat ng Brgy ay may palaro bukod sa basketball at volleyball ay marami pang iba.
Ang Eastern Part ng Metro Manila na kinabibilangan ng Marikina, San Juan, Mandaluyong ay may kanya kanyang Sports Activities yung tinatawag na Mayor’s Cup, bukod tanging ang Pasig City ni Mayor Vico Sotto ang tila walang kaingay ingay sa usaping Sports, tama ba Kagawad Steve De-Asis at Bobby Hapin?
Bigyan natin ng espasyo mga Ka Usapang HAUZ itong naging pahayag ni Kagawad Bobby Hapin ng Brgy Manggahan sa isinagawang panayam ng Usapang HAUZ sa pamamagitan ng telepono, ang bungad ba naman ng brgy official eh anim na taon akong naging tahimik sa naging palakad ni Mayor Vico ni minsan ay hindi ko nadinig ang usaping paliga.
Si Kagawad Hapin para sa kaalaman ng Pasigueno partikular sa District II ay tumatakbo bilang konsehal ng Lungsod at isang Independent, kamakailan lang ay mainit na inihayag nito ang pagkalas ng suporta kay mayor Vico sa kadahilanang walang natupad sa mga pangako nito sa mamamayan ng Pasig isama na ang larangan ng palakasan.
Bagamat hindi kapartido ni Hapin ang team Kaya This ni Ate Sarah Discaya ay labis ang naging paghanga nito sa mga ginagawang proyekto at pagtulong sa mamamayan ng Pasig lalong lalo na sa larangan ng palakasan.
Ibinida naman sa Usapang HAUZ nitong si Kagawad Steve De-Asis na tumatakbo ring Konsehal sa Distrito 2 na kabilang sa lineup ng “Kaya This” ni mayoralty candidate Ate Sarah Discaya ang kauna-unahang Ate Sarah Rapid Chess tournament kung saan free registration open to all Pasigueno.
Ayon pa kay De-Asis katatapos lang ng championship game ng Volleyball at Basketball na nilahukan ng halos lahat ng player ng mga Brgy na ang may sponsor ay si Ate Sarah (hindi kaya nakakahiya kay mayor Vico) ang mga paliga nyo?
Idinagdag na pahayag ni De-Asis, nitong nakalipas na Sabado March 15,2025 isang malaking medical mission ang isinagawa ng Team Ate Sarah Discaya sa covered court ng Catalina Subdivision Brgy. Rosario na umabot sa mahigit 600 indibidwal ang nabiyayaan ng libreng gamutan.
Tuloy tuloy pa rin sa pagiikot ang Mobile Kitchen ni Ate Sarah Discaya kung saan may libreng pa almusal tulad ng Lugaw, maging ang paggawa ng drainage system ay walang tigil ang konstruksiyon.
Sa tutuo lang gustong malaman ng mga Pasigueno kung ano ang plano ni Mayor Vico Sotto partikular ang mga kabataan sa usaping Sports? Sabi nga ng dalahirang Badiday na taga Manggahan sana kahit Liga ng mga Barbie pwede na?
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o mag text or tumawag sa 09352916036