Advertisers
TINIYAK nitong Lunes, Marso 17, sa press conference ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na gagamitin niya ang lahat ng “legal remedies” para matulungan si reelectionist Senator Ronald “Bato” dela Rosasa kasong kriminal na kanyang kinaharap sa International Criminal Court (ICC).
Sagot ito sa kahilingan ni dela Rosa sa liderato ng Senado na huwag siyang isuko sa ICC habang ang Senado ay nagsasagawa pa ng session.
Ginawang halimbawa ni Escudero ang kaso ng dating senador ngayo’y Chief Presidential Legal Counsel na si Juan Ponce Enrile at mga dating senador na sina Gregorio Honasan, Leila de Lima, Antonio Trillanes IV, at Panfilo Lacson kungsaan hindi pinayagan ng Senado na arestuhin sila kahit may mga arrest warrant ang mga ito.
Sa kabila ito ng sinabi ni dating Senate President Franklin Drilon na maaring arestuhin ng mga awtoridad ang isang sitting senator na nahaharap sa heinous crimes tulad ng sa ICC charges laban kay dela Rosa.
Sang-ayon si Escudero sa sinabing ito ni Drilon pero ipinunto niyang kailangang gawin ang lahat ng “legal remedies” para kay Sen. Bato kung boluntaryong susuko ito para maiharap siya sa ICC. (Mylene Alfonso)