Advertisers

Advertisers

Malakanyang hinamon si Roque na bumalik din sa bansa

0 9

Advertisers

HINIMOK nitong Lunes ng Malacañang si dating presidential spokesperson Harry Roque na bumalik sa Pilipinas matapos itong muling lumabas sa Netherlands habang nahaharap sa arrest order mula sa House of Representatives.

Sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang arrest order, na inilabas ng House Quad Committee (QuadComm) noong nakaraang taon, ay hindi pa naipapatupad.

“Actually, I cannot speak on behalf of the QuadComm, on behalf of the House of Representatives, because it’s the arrest warrant ng House and hindi napapatupad dahil sa pagtatago ni Atty. Harry Roque.



Si Roque, na ilang buwan nang nagtatago, ay humarap sa International Criminal Court (ICC) headquarters sa The Hague noong Marso 14. Nakita siyang kasama nina Vice President Sara Duterte at Senator Robin Padilla, na nagsasabing balak niyang sumali sa legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na inaresto noong Marso 11 dahil sa mga kasong crimes against humanity.

Hinamon ni Castro si Roque na bumalik sa bansa, tinutukoy ang panawagan ng mga tagasuporta ni Duterte na bumalik sa Pilipinas ang dating pangulo.

“Mas maganda po siguro na i-challenge po talaga natin siya na po siya umuwi, kasi ‘di ba? ‘Bring home FP Duterte.’ So, siguro mas magandang isigaw rin po ng mga tao, iuwi mo si Roque,” sabi ni Castro.

Nahaharap si Roque sa non-bailable trafficking complaint dahil sa umano’y kaugnayan niya sa isang ni-raid na Philippine offshore gaming operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga, ngunit nakaalis ng bansa dahil binigyan lamang siya ng immigration lookout order, na hindi pumipigil sa paglalakbay. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">