Advertisers

Advertisers

LOCAL HOSPITAL, DAYCARE CENTER SA PASIG CITY NAPABAYAAN SA NAKALIPAS NA 6 NA TAON

0 52

Advertisers

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang mga residente sa Pasig City dahil sa mistulang pagpapabaya umano ni Pasig Mayor Vico Sotto sa local hospital sa lungsod.

Maliban sa napabayaang ospital, inihayag djn ng mga residente ang pagladismaya sa napabayaang daycare center sa bahagi ng Southville na dapat ay nagkakaloob ng libreng serbisyo.

Ayon sa Pasig Laban Page Group, ngayong palapit na ang eleksyon, kabilang ang health care services sa muling ipinapangako ng alkalde na tututukan at pagbubuthin.



“As the election nears, he is once again making commitments to address these concerns which is alarming, as it seems that he is offering only promises and not actual support, particularly for the underprivileged people of Pasig,” Anang grupo.

Naniniwala ang nasabing grupo na dapat mapagtanto ng mga residente ng lungsod ang totoong estado ng pamamahala ni Sotto sa nakalipas na 6 na taon kabilang ang pananatili ng korapsyon.

Marami rin aniya sa mga residente ang humihiling ng praktikal na serbisho na totoong pakikinabangan ng disadvantaged na mga pamilya.

Sa nakalipas kasi na anim na taon, wala umanong naging pagbabago at sa halip ay napabayaan lamang ang mga mahihirap pagdating sa medical services, edukasyon, housing, employment at iba pang importanteng serbisyo.

Hangad ng mayorya ng mga taga-Pasig ang makabuluhang pamamahala at liderato na kayang tumupad sa mga pangakong proyekto kabilang ang pagkakaroon state-of-the-art hospital, libreng gamot, tulong pinansyal sa mga seniors at persons with disabilities, libreng school supplies sa lahat ng mag-aaral at housing projects.