Advertisers
Kulong sa detention cell ng Malabon Police Station ang lalaking wanted sa kasong carnapping sa Malabon.
Ayon kay Malabon police chief PCol.Jay Baybayan, nasakote ang 37-anyos na akusado ng Malabon Malabon City Police Station (MCPS) Warrant and Subpoena Section, na may koordinasyon sa Northern Police District – District Anti-Carnapping Unit (NPD- DACU) na may paglabag sa Republic Act No. 10883 (Anti-Carnapping Act of 2016).
Nadakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest, na inisyu ni Hon. Ma.Antonia Linsangan Largoza- Cantero, Presiding Judge of RTC Branch 291, Linggo ng 9:30 ng umaga sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Barangay Acacia, Malabon City na may kaukulang pyansang P100,000.00 mula sa hukuman.(Beth Samson)