Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
PURING-PURI ni Ivana Alawi ang ugali at personalidad ni Fyang Smith nang magkuwento siya sa ilang members ng showbiz press kamakailan para sa kanyang pa-thanksgiving.
Talaga raw nag-enjoy si Ivana sa vlog collab nila ni Fyang at umaasa rin siya na mabigyan sila ng pagkakataon na magkasama sa isang acting project.
Sa isang panayam, nahingan si Fyang ng reaksyon sa magagandang salita na ibinigay ni Ivana patungkol sa kanya.
“Dumaan po siya sa feed ko and sobrang na-touch po ako. Sobrang naoverwhelm po ako kasi nag-iisang Ivana Alawi na sinabi na ako yung favorite niya.
“Tungkol po sa vlog namin, actually nakalimutan ko po na vlog po pala yun sa super nag-enjoy po talaga ako with Miss Ivana,” aniya.
Dagdag pa ng dalaga, “Actually si Miss Ivana rin po yung gusto kong makawork if ever may teleserye or movie, super happy po ako.”
Sa chikahan ng dalawang Kapamilya stars, nalaman ng madlang pipol na pareho rin nilang gustong maka-work sina Kathryn Bernardo at Anne Curtis. Type rin ni Ivana na makasama sa isang project si Piolo Pascual.
***
EMOSYONAL ang naging pag-alala ng award-winning actress na si Gladys Reyes sa ika-70 kaarawan sana ng namayapang ama na si Sonyer Reyes last March 12, 2025.
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram page, ibinahagi ni Gladys ang ilang litrato nila ng ama kasama pa ang ilan pang miyembro ng kanilang pamilya.
Ayon sa seasoned actress, ilang taon nang wala ang kanyang tatay pero sariwang-sariwa pa rin ang magagandang alaala nito sa kanilang isip at puso.
Ang caption ni Gladys sa kanyang IG post, “Remembering our father, Papa Sonyer’s birthday. He would have been 70 today.
“He passed away when he was 66, it’s been 4 years and we terribly miss his presence, everything about him.
“He is the most faithful man that I know, faithful to his family and his faith in God is admirable.
“We will always remember and love him,” mensahe pa ni Gladys sa namayapang ama.