Advertisers
KUMAMADA si Luka Doncic ng 33 points,11 rebounds at eight assists,Austin Reaves nagdagdag ng 28 points, at tuldukan ng Los Angeles Lakers ang kanilang four-game losing streak sa 107-96 wagi laban sa bisitang Phoenix Suns Linggo.
Jaxson Hayes tinapatan ang kanyang season high 19 points at Dorian Finney-Smith nagdagdag ng 10 para sa Lakers (41-25), na umagwat ng 20 at pigilan ang Suns sa 39.3 percent shooting,kabilang ang 9-of- 41 (22 percent) mula sa 3-point range.
Naglaro na wala ang injured starters LeBron James at Rui Hachimura, ang Lakers ay nag shot ng 43.2 percent mula sa field at 35.9 percent (14 of 39) mula a arko.
Kevin Durant pinamunuan ang Phoenix (31-37) sa iniskor na 21 points at nine rebounds.Devin Booker umiskor ng 19 points,, Ryan Dunn may 13, Nick Richards nagdagdag ng 11, at Royce O’Neale bumakas ng 10. Ang Suns ay natalo ang tatlo sa kanilang huling apat na laban.