Advertisers

Advertisers

Chiz: ‘Di makukuha ng ICC si Bato ‘pag sa loob ng Senado

0 3,622

Advertisers

KINUMPIRMA ni Senate President “Chiz” Escudero na humingi ng proteksyon sa Senado si Senador “Bato” Dela Rosa sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya.

At hindi, aniya, papayagang arestuhin ng ICC si Bato kapag nasa loob ito ng Senado lalo kapag may sesyon.

Inulan ng mga brutal na reaksyon ng netizens ang pahayag na ito ni Chiz. Bakit daw noon si Senador Liela de Lima pinayagan ng Senado na arestuhin gayung maliwanag pa sa sikat ng araw na mga gawa-gawa lang ang mga kasong isinampa ni dating Pangulo Rody Duterte laban sa dating senadora. “It’s unfair!”, sabi ng netizens. Oo nga!



Si De Lima ay nakalaya matapos ang termino ni Duterte noong 2022. Nadismis ang lahat ng kaso laban sa kanya.

Pero kung aanalisahin ang pahayag na ito ni Chiz, ang proteksyon ng Senado kay Bato ay limitado lang sa loob ng bisinidad nito. That means, kapag nakalabas ito ng Senado ay libre siyang dakmain ng International Police kasama ang Philippine National Police – Criminal Investigation ang Detection Group, ang mga umaresto rin kay Duterte nang lumapag sa NAIA ang dating pangulo mula Hong Kong noong Marso 11.

Ang balik ng sesyon ng Senado ay Hunyo 1 pa.

Si Bato ay huling namataan sa rally ng mga pro-Duterte Sabado ng gabi sa Maynila, kungsaan ipinagsigawan niyang iligal ang pag-aresto at pagdali kay Digong sa The Hague, Netherlands.

Inaasahang anumang oras at araw ay maglalabas din ng arrest warrant ang ICC laban kay Bato at ilang pang akusado ng ‘crimes against humanity’ sa ICC kaugnay ng walang patumanggang mga pagpatay sa kampanya laban sa iligal na droga ng nakaraang Duterte administration.



Sinasabing “peke” ang war on drugs ng Duterte administration dahil maliliit lang na “drug addicts/pushers” ang pinatay, habang ang drug lords ay labas-pasok ng Malacanang tulad tropa nina Michael Yang, Allan Lim at Richard Tan.

Si Yang, na sangkot sa mga iligal na POGO at Pharmally scandal, ay ginawa pang presidential adviser ni Digong noon.

Sina Lim at Tan umano ang nagpasok ng P6.5 billion hakaga ng iligal na droga na nasamsam sa isang warehouse sa Valenzuela City noong 2017.

Sa nakaraang mga imbestigasyon ng House Quad Committee, nabunyag na ang mga pinatay na “drug pushers” kuno ay panakip-butas lamang sa malawak na operasyon ng iligal na droga ng mga Intsik na dikit kay Digong at sa kanyang mga anak (Polong at Baste) at mister ni VP Sara na si Mans Carpio.

***

Sa nakatakdang pagdinig ng Senate Impeachment Court sa mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte-Carpio sa Hulyo 30, sinabi ng House prosecutors na pabubuksan nila ang bank accounts ng mag-aamang Duterte para malaman kung may katotohanan ang mga ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes na ang bilyones na laman ng naturang bank accounts ay mula sa iligal na droga at mga iligal na POGO.

Ang mga iligal na POGO ay parang mga kabute na nagsulputan sa bansa nang maupong presidente si Duterte.

Pinasara na ni Pangulong Bongbong Marcos ang lahat ng POGO sa bansa, ligal o iligal.

Isinapubliko noon ni Trillanes ang naturang bank accounts, pero naging invalid ang mga ebidensiya dahil ayaw itong kumpirmahin ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC), kahit pa pinatunayan noon ng isang Deputy Ombudsman na tunay ang naturang ebidensiya. At sa kasamaang palad ay pinasibak at kinasuhan ng kampo ni Duterte ang naturang opisyal ng Ombudsman.

Sa Impeachment trial vs VP Sara, let’s see kung mabubukasan ang bank naturang bank accounts. Abangan!