Advertisers

Advertisers

ASAN SI FL LIZA MARCOS AT ANG PEKENG ICC ARREST WARRANT VS FPRRD

0 335

Advertisers

NAKU po…pawang mga kontrobersiyal na isyu ang laman ng kolum natin sa araw na ito na ating pasasabugin at nais na ibahagi kay PCO Usec.Claire Castro.

Dalawang topics po ito na kinasasangkutan ng mga VIPs ng Malacanang at ng pamahalaang Marcos Jr.

Unahin natin ang tanong kung totoo nga ba ang warrant of arrest na dala- dala- umano ng mga taga- Interpol na ginamit na dahilan para arestuhin ng PNP si dating Pangulong Rodrigo DUTERTE na inisyu umano ng ICC.



PInatigasan ng mismong si Marcos Jr. na may legit na arrest warrant laban kay FPRD na dala- ang mga representatives ng Interpol.

Nakapaloob ito sa tanong ng isang mamamahayag during the press con.

Pero sa initial fact checking na ginawa ng mga abogado sa kampo ng mga Duterte, walang arrest warrant na inisyu ang ICC laban kay Duterte na makikita sa website ng ICC.

Walang rin pong makitang arrest warrant sa website naman ng Interpol.

Kung pangangatawanan ng gobyernong Marcos at ng mga opisyal nito na may warrant of arrest nga silang hawak,magkakaalaman naman talaga in a matter of days.



At tiyak na mabubulgar sa publiko ang buong katotohanan.

Kapag napatunayan wala,dito papasok ang sinasabi ni Vice President Sara Duterte na “state kidnapping” na ginawa sa 80- year old former President.

Malinaw naman sa mga petisyon inihain sa Korte Suprema ang mga individuals na nasa likod ng pag- aresto,puwersahang pagpigil at pagbitbit kay FPRRD patungo sa The Hague,Netherlands na punong himpilan ng ICC.

Sa ngayon ay puwede pang magpaikot ang mga propagandista ng Palasyo habang di pa nakukumpleto ang mga ebidensiyang magpapatunay na peke ang ipinagyayabang na arrest warrant ni Marcos Jr. at ng PNP nina General Rommel Marbil,Nicolas Torre at Jean Fajardo.

Hindi tayo abogado kaya wala tayong alam kung ano ang katumbas na kasong kriminal at sibil na kakaharapin ni Marcos Jr. at ng inatasan nitong mga opisyal.

Alam din ng publiko na kasama sa operasyong pag- aresto kay dating Pangulong Duterte ang mga opisina ng magkapatid na Remulla,Boying at Jonvic na Department of Justice (DOJ) at DILG.

Buksan naman natin ang isyu sa pagkamatay ng isa sa mga entourage ni FL Liza Araneta Marcos sa BEVERLY HILLS, California,U S of A.

Ang namatay ay si PAOLO TANTOCO, kilalang bigtime negosyante sa retail industry sa bansa.

Si TANTOCO ay malapit na kaibigan at travel buddy ni FL Liza Marcos.

Namatay si TANTOCO dahil sa drug overdose base sa inisyal na findings ng lokal na kapulisan ng BEVERLY HILLS a

Nasa kostudiya ng mga awtoridad sa California umano si Mrs.Liza Marcos at mga kasamahan nito habang di pa natatapos ang isinasagawang imbestigasyon.

Iniulat din ng pulisya ng California na mahigit 7 oras na umano bago maireport o mapagbigay- alam ng grupo ni Marcos sa awtoridad ang pagkamatay ni TANTOCO.

Pinagpipiyestahan sa mga Pinoy communities sa America ang nangyaring insidente.

Base naman sa ulat ng Washington Post,mismong si President Donald Trump ang nag- utos na magsagawa ng malalimang imbestigasyon patungkol sa kaso.

Kilala si Trump bilang kaaway ng mga gumagamit at nagpapakalat ng droga.

Medyo malaking dagdag sakit ng ulo ito para kay BBM bukod pa sa iskandalong dala nito sa pamilya Marcos.

Mukhang sabay- sabay- ata ang pagbuhos ng mga kontrobersiyal na problema ni Marcos Jr.

Nasa kainitan ng pagdinig ng Supreme Court ang tungkol sa Philhealth Fund na nais ng mga mahistrado na ipabalik ang kinuhang pondo sa Philhealth.

Naririyan pa ang tungkol sa more than Php 6 trillion national budget na kinukuwentiyon at sinasabing iligal at batbat ng korapsiyon at anomalya.

Andyan pa rin ang inaasahang resbak ng mga Duterte sa sinasabing ” state kidnapping” na ginawa laban sa dating Pangulong Duterte.

Bukod pa ang mga nakakasang mass actions sa buong bansa.

Mukhang sa dami ng kinakaharap na usapin ni Solgen Menardo Guevara sa SC ay hindi na rin kinaya pa ng powers ng kaawa- awang mama ang bigat at pressure ng tungkulin.

Mukhang si Solgen Guevarra na ang susunod sa mga yapak ng mga nagresign na sina Secs.Jaime Bautista ng DOTr, Cesar Chavez ng PCO at Ivan John Uy ng DITC.

Sa dami ng bagaheng karga at bitbit ni Marcos Jr., kayanin pa kaya ito ng punong ehekutibo?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com