Advertisers
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itaas sa P350 kada araw ang subsistence allowance ng mga military personnel mula sa dating P150 na epektibo simula January 1, 2025.
Ito’y sang-ayon sa Executive Order No. 84 na nilagdaan ni PBBM, batay na rin sa rekomendasyon ng Department of National Defense (DND) at Department of Budget and Management (DBM).
Ayon sa EO, hindi na sapat ang kasalukuyang allowance ng mga sundalo upang matugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng mga ito.
Kasama sa mga makikinabang sa umento ang mga opisyal at enlisted personnel ng Armed Forces of the Philippines, pati na rin ang mga trainees, probationary 2nd lieutenants, mga miyembro ng CAFGU, at mga kadete.
Ang gagamiting pondo ay kukunin mula sa available appropriations ng AFP sa ilalim ng General Appropriations Act of 2025.
Nabatid na noon pang 2015 huling nagkaroon ng adjustment ang subsistence allowance ng AFP. (Gilbert Perdez)