Advertisers

Advertisers

Nangunguna sa congressional survey sa Malabon… ORETA TARGET NG SMEAR CAMPAIGN, BLACK PROPAGANDA

0 495

Advertisers

KINONDENA ng mga residente ng Malabon ang maruming pulitika sa lungsod, na ang target ng paninira’t black propaganda ay si dating Mayor at congressional candidate Antolin ‘Lenlen’ Oreta III.

Ito ay kasunod ng magandang pagtanggap sa kanyang liderato at mataas na rating sa mga survey para sa pagka-kongresista sa lone District ng Malabon.

Matapos maghain ng kandidatura sa pagka-kongresista, si Oreta ay naging target na ng mga negatibong pahayag mula sa ilang naghaharing political group na takot sa kanyang posibleng pagbabalik sa pampublikong serbisyo.



Bukod ito sa ikinasang well-planned na serye na paratang ng katiwalian na sinimulan na Marso 15, 2025, kaugnay ng mga nawawalang e-trikes, na ayon sa kanila ay may kinalaman sa administrasyon ni Oreta.

Gayunpaman, ang mga paratang na ito, ayon sa kanyang election lawyer Atty. Chael Nino Santiago, ay bahagi lamang ng isang mas malawak na smear campaign na layuning sirain ang kredibilidad at tiwala ng mga mamamayan kay Oreta.

Ngunit hindi matitinag si Oreta, isang lider na kilala sa kanyang dedikasyon at malasakit sa mga Malabonian, pahayag ni Santiago.

Sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang mayor, nakilala siya bilang tagapagtaguyod ng mga proyektong nakatulong sa paglago at kaunlaran ng lungsod.

Ilan sa mga hakbangin niyang nagdala ng pagbabago sa Malabon ay ang pagpapalawak ng mga serbisyong pangkalusugan, pag-aalaga sa mga marginalized na sektor, at pagpapalakas ng edukasyon para sa mga kabataan.



Sa ilalim ng kanyang pamumuno, naipatupad ang mga makabagong proyekto tulad ng modernisasyon sa mga pampublikong pasilidad at ang pagkakaroon ng malinis at maayos na mga komunidad.

Matapos ang kanyang pamumuno bilang mayor, nakikita ng mga Malabonian si Oreta bilang isang lider na may malasakit at layuning magbigay ng tunay na serbisyo sa mga tao, kaya’t nangunguna siya sa survey bilang pinaka-paboritong kandidato para sa pagka-kongresista.

Samantala, pinayuhan ni Oreta ang mga Malabonian na maging mapagmatyag at mag-ingat sa mga pekeng balita at mga paninira na hindi makikinabang ang mamamayan.

Hiniling niyang magkaisa ang lahat upang siguraduhin na ang susunod na halalan ay magiging isang tapat at makatarungang laban, kungsaan ang serbisyo at malasakit sa mamamayan ang magiging sukatan ng tunay na liderato.

Sa kabila ng mga hindi patas na atake, patuloy ang tiwala ng mga Malabonian kay Oreta, isang lider na may malasakit sa kanilang kapakanan at dedikadong maglingkod, ayon kay Santiago.