Advertisers
Ni Archie Liao
AYON kay Julie Anne San Jose, wala raw lihiman sa kanila ng boyfriend na si Rayver Cruz.
Dagdag pa niya sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Fast Talk, pati raw tungkol sa exes niya ay alam ng nobyo and vice versa.
Gayunpaman, never daw naman na nang-urirat ang aktor tungkol sa kanyang past at ganoon din siya.
Never din daw siyang nakialam sa cellphone ng boyfie dahil malaki ang respeto at tiwala niya sa kanyang inspirasyon.
Sey pa niya, malaking bagay daw na kasundo ng kanyang family ang kanyang boyfriend.
Natuto na rin daw kasi siya sa kanyang mga pinagdaanan sa kanyang lovelife na malaking factor kung aprub ng kanyang pamilya ang kanyang iniirog.
Sa tanong naman ng King of Talk kung keri niyang mag-propose ng marriage kay Rayver, aniya, tila wala raw ito sa kanyang personalidad.
Conservative pa rin daw kasi siya pagdating sa ganoong mga bagay.
Sa naturang tsikahan, inamin din niya na napag-uusapan na nila ni Rayver ang tungkol sa kasal pero wala pa raw sa plano nila ang lumagay sa tahimik dahil may mga prayoridad pa sila.
Si Julie Anne ay kasama sa cast ng seryeng “Slay”, isang murder mystery na mapapanood na sa Viu online streaming platform.
Kasama rin sa cast sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, Derrick Monasterio at Royce Cabrera.
***
MTRCB at NCCT muling lumagda ng kasunduan para sa pagsusulong ng Responsableng Panonood at Makabatang Programa sa Telebisyon
MULING pinagtibay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at National Council for Children’s Television (NCCT) ang kanilang pagtutulungan nitong Miyerkules, Marso 12, matapos nilang lagdaan ang panibagong Memorandum of Agreement (MOA) na magsusulong sa responsableng panonood at makabatang programa sa telebisyon.
Layunin ng MOA na makapagbalangkas ng kooperasyon at kolaborasyon sa pagitan ng MTRCB at NCCT upang mai-angkla sa mga programa ng dalawang ahensya gaya ng Responsableng Panonood (RP) ng MTRCB at Media and Information Literacy Education services (MILES) ng NCCT para maprotektahan ang kabataang Pilipino laban sa mga mapanganib na palabas.
Sa kanyang mensahe, nagpasasalamat si MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio sa NCCT sa patuloy nitong “pagsuporta sa mga programa ng ahensya.”
Sinabi naman ni NCCT Executive Director III Desideria Atienza na ang MOA ay hindi lamang pormalidad kundi isang pangako tungo sa pagbuo ng ligtas na media para sa Pilipino.
Ang kolaborasyon ng dalawang ahensya ay nagpapakita sa matibay na misyon ng gobyerno na mapalakas ang kampanya sa responsableng panonood at ligtas na paggamit ng media.