Advertisers

Advertisers

High school student patay sa ambush

0 20

Advertisers

Nasawi ang 18-anyos na estudyante sa ambush sa Pikit sa probinsya ng Cotabato nitong Sabado, March 15, 2025.

Kinilala ang biktima na si Norman Mangalakat Kanapia, estudyante ng Silik National High School sa Pikit at residente ng Barangay Langayen sa naturang bayan.

Sa ulat, sakay ng kanyang motorsiklong Honda Click 125 si Kanapia nang pagbabarilin ng mga armadong nakaabang sa kanya sa Barangay Silik, isang liblib na lugar sa magulong bayan ng Pikit, na tinataguaring “crime capital” ng Region 12.



Mahigit 50 katao na ang napatay sa mga walang tigil na serye ng mga pamamaril sa Pikit  mula 2020 na walang naging malinaw na kalutasan.

Agad na namatay sa mga tama ng bala sa ulo at katawan si Kanapia sanhi ng naturang ambush ng mga salarin na mabilis na nakatakas.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng m salarin at motibo nito sa pagpaslang kay Kanapia.