Advertisers

Advertisers

Drug den sinalakay sa Bataan: 8 timbog

0 7

Advertisers

Arestado ang walong katao, kabilang ang operator ng drug den sa purok 2 Brgy. Balsik sa bayan ng Hermosa sa lalawigan ng Bataan.

Sa report na tinaggap ni PNP Regional Director PBGEN Jean S Fajardo, kinilala ang operator na si alyas Mon, 52; habang arestado rin sina alyas Ben, 26; Tan-tan, 25; Sey, 49; Jeh, 22; Son, 37; at alyas Nel, 63-anyos kapwa residente nabangit na bayan.

Sa punang imbestigasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency at Hermosa Police una silang nagsagawa ng buy bust operation sa nabangit na lugar na nagresulta sa pagkakadakip ng mga suspek.



Nakumpiska mula sa mga suspek ang 10 gramo ng shabu, nna nagkakahalaga ng P68,000.00 at 2 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana, iba’t-ibang drug paraphernalias at buy bust money.

Samantala, detenido ngayon ang mga suspek sa PDEA detention facility sa City of San Fernando sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 na mas kilala sa Comprehensive Dangarous Drugs Act of 2002.(Thony D. Arcenal)