Advertisers
Dead on the spot ang dalawang biktima sa nangyaring pamamaril ng isang hindi pa kilalang salarin nuon Sabcdo (March 15, 2025) sa loób ng Agoncilio Cockpit Arena, sa Brgy. Bagong Sikat ng Agoncilio, Batangas.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jordan Aquino at si Jelo Daño, mga nasa hustong gulang, mga residente sa nasabing bayan, habang ang salarin ay may taas na 5’3, walang buhok sa ulo at nakasuot ng itim na t-shirt at short pants na maong.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng Agoncilio PNP at ayon na narin sa mga nakakita bago ang nangyaring madugong krimen, nakita umanong nagtatalo ang biktimang si Aquino at suspek at nauwi sa suntokan na agad naman naawat ng mga nakasaksi, subalit matapos ang nangyaring pag aaway ay sinundan ng suspek ang biktimang si Aquino sa loob ng nabanggit na sabungan at pinagbabaril ng malapitan na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng naunang biktima dahil sa mga tinamong mga sugat sa kanyang katawan at tinamaan din ng ligaw na bala sa kanyang katawan ang ikalawang biktimang si Daño, na nanunuod lamang sa loob ng sabungan at agad din binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang salarin matapos ang ginawang pamamaril sa na nagtungo sa dipa tukoy na direksyon at naglatag na ang kapulisan ng follow up at hot pursuit operation laban sa salarin para agad madakip at alamin ang motibo sa nangyaring krimen. (KOI LAURA)